CHAPTER 16

54.1K 1.8K 230
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Paikot-ikot akong naglalakad dito sa kwarto ko at hindi mapakali, siguro na hihilo na ang kambal kakasunod ng tingin sa'kin.

"Pwede ba Kaelynn chill lang, bukas ka na magpaalam mamaya pa uuwi ang dalawang 'yon," sabi ni Daniel na nakakunot ang noo habang sinusundan ako ng tingin.

"Pano kung hindi niya ko payagan bukas? okay nang magpaalam ngayon para pwede ko pa siyang kulitin bukas saka gusto kong umalis ngayon na." napabangon si Danrious sa pagkakahiga sa kama ko.

"Baliw ka ba? Gabi na maraming rapist sa daan," sabi niya at inirapan ko lang siya, excuse me! sayo ako dapat mas mag-ingat dahil ikaw po ang rapist.

Gusto kong ibulyaw sa kaniya iyon pero hindi pwede baka lalo akong hindi makaalis, wala akong phone at hindi ko alam ang number ng bahay ampunan kaya pano ko makocontact si Red. Jusko, magtatampo na naman iyon isa pa namang mainitin ang ulo nun.

"Arrggh, anong gagawin ko." ginulo ko ang buhok ko at hindi huminto sa paglalakad.

"Sino ba kasi 'yang Red na 'yan?" Sabi ni Daniel na mukhang curious na curious.

"Best friend ko, kasama ko siyang lumaki sa ampunan," napatigil ako maglakad at inaya ako ni Daniel umupo sa tabi niya para kumalma kumuha na lang ako ng upuan at doon umupo.

"Ang hard mo Kaelynn pinapaupo na nga kita," nagbuntong hininga na lang ako.

"Patingin nga ng Red na iyan, ang weird naman ng pangalan niya para sa isang babae," napatawa ako, kung marinig ni Red na pinagkamalan siyang babae sure ako lumanding na agad ang kamao niya sa mukha ni Daniel.

"Wait ah pakita ko san'yo," kinuha ko 'yung picture namin sa gamit ko at inabot sa kaniya.

"Iyan kami nung graduation nung high school," nakitingin na rin si Danrious at ng iba ang mukha nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Iyan kami nung graduation nung high school," nakitingin na rin si Danrious at ng iba ang mukha nila.

"Bakit?" Tanong ko at parang asar na asar sila at na lulukot na 'yung picture kaya inagaw ko na.

"Lalaki pala 'yan! Kaelynn hindi ka papayagan ni kuya." parang timang dapat pala hindi ko na pinakita ang picture namin sure ako kung ano-ano na naman iniisip ng kambal na ito.

"Anong masama kung lalaki siya ano ba kayo birthday niya bukas." humilata lang ulit si Danrious sa kama ko at si Daniel naman parang iritado na.

"Kaelynn naman eh na niniwala kang best friend mo siya?" Binatukan ko siya sa inis.

"Oo naman! Sabay na kaming lumaki sa ampunan at lagi kaming magkasama no." sinabunutan niya ang buhok niya at nagpagulong gulong sa kama.

"Ang daya naman sana sa ampunan na lang din ako." sumama ang tingin ko sa kaniya.

"Wag mo sabihin iyan, lahat kami doon ay nais magkaroon ng pamilya." napatigil siya at mukhang tinamaan siya ng konsensiya sa sinabi ko.

"Sorry," nagsmile na lang ako sa kaniya at ngumiti na siya, biglang bumangon si Danrious at naglakad papuntang pinto.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon