CHAPTER 44

41.2K 1.3K 109
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Lahat kami tulala sa babaeng nasa harap namin, para kaming hinagisan ng bomba ng walang pasabi.

Mga katotohanan na isa-isang naglalabasan, mga lihim na isa-isang na uungkat. Ano na lang ang mangyayari samin pagtapos ng lahat nang ito?

"Ro-rose?" gulat na gulat pa Ring sabi ni Sir Danilo sa babaeng nasa harap niya at nakatingin lang sa kaniya.

"Babawiin ko lang ang akin," sabi niya at mahigpit na binuhat si Sir Darenn.

"Pero teka akala ko--"

"Akala mo patay na ko?" Sumeryoso ang mukha nito at tinignan nang masama si Sir Danilo.

"Pasensiya na Danilo, pero masamang damo rin ako katulad mo." ngumiti ito at biglang lumapit sa'kin.

"Tara na aalis na tayo sa impyernong 'to," na gulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin para sumama sa kaniya.

Mabilis na inagaw ni Danrious ang kamay ko mula sa kaniya.
"Teka saan mo dadalhin si Runo." ngumiti sa kaniya 'yung babae kaso bigla rin 'tong na wala sa mukha niya.

"Daldalhin ko siya kung saan magiging safe siya." Parang bibitaw na si Danrious sa hawak sa'kin kaya ako ang humawak sa kaniya.

"Pero po hindi ko iiwan si Danrious." Tumingin siya sa'kin ng may awa sa mga mata niya.

"Igagaya ka lang niya sa'kin Runo, papatayin ka at gagawin kang bampira katulad nila." napatingin ako kay Danrious na nakatungo lang at wala ng tiwala sa sarili niya.

"Pero po hindi ko magagawang iwan si Danrious." napasimangot siya at mukhang hindi gusto ang pasiya ko.

"Rious akala ko iba ka sa ama mo, bakit mo na gawa ito?" Hindi siya makatingin samin pero humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

"Tita pagkakamali ko po 'yon, pero sana hayaan mo kong bumawi sa kaniya, sasama ako sa inyo," na buhayan ako ng loob sa pinapakitang tapang niya ngayon.

Kaso hindi sang-ayon ang mga kapatid niya.
"Teka kaya mo ba? pag-umalis ka sa mansion." napayuko na si Daniel at hindi na natapos ang sasabihin niya.

"Tama ang kakambal mo, pag-umalis ka sa mansion na ito, ibig sabihin hindi na kita anak. Magbabago ang buhay mo mula sa mayaman papuntang mahirap," sinamaan siya ng tingin ng babae habang mahigpit ang kapit nito sa kamay ko.

"Wag mong bulagin ang anak mo sa pera mo, kaya niyang mabuhay ng wala ka." hindi lang ako ang hawak niya ngayon kundi pati si Danrious ay hinila niya na rin.

"Tara na aalis na tayo ditto." Na gulat na lang kami at walang pasintabing hinila palabas ng kwartong iyon.

Nakita namin ang mukha ni Sir Danilo na puno ng galit at inis, sila Sir Daryl  naman ay walang na gawa at mukhang hindi pa rin makasunod sa mga pangyayari.

Miske kami ni Danrious ay gulat pa rin at hindi alam kung anong gagawin, basta hinayaan na lang namin na hilahin niya kami palabas ng mansion na ito.

❦❦❦

Dinala niya kami sa isang pamilyar na village, village kung saan nakatira si Red at Nana pero medyo dulo na ang apartment na pinagdalhan niya samin.

Nakatingin lang kami sa kanila ni ate Mila at nag-iintay ng mga paliwanag galing sa kanila.

"Jusco! Mila anong sasabihin ko? Na dala ako ng galit ko kanina pero na kita mo ba ko? Ang tapang ko kanina sa harap ng chonggo iyon ahahaha!" napangiwi ako habang tinitignan siya. Ang layo ng ugali niya kanina mula sa ugali niya ngayon.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now