CHAPTER 11

59.3K 1.9K 62
                                    

Dedicated to: @Raimbow0024

KAELYNN's POV

❦❦❦

Pumasok kami sa mansyon at umakyat ng hagdan papuntang opisina ni Sir Daryl, kakatok pa lang sana ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang kambal na mukhang pagod na pagod.

"Kaelynn?" Sabi ni Daniel pero hindi ko siya pinansin, nagkatinginan kami ni Danrious at ginantihan ko lang ang tingin niya at ako ang unang umiwas, hindi ako kailangan magpakita ng takot sa kaniya, ituturing ko na lang siyang hangin dito sa mansion.

"Hoy!" kaso bigla n'yang hinawakan ang kamay ko at pinigilan akong pumasok ng opisina ni Sir Daryl.

"Anong gagawin mo?" Seryoso n'yang sabi sa'kin pero binigyan ko lang siya ng bored na expression katulad ng lagi n'yang ginagawa.

At hinila ko ang kamay ko mula sa kaniya saka pumasok sa loob ng opisina.

"Abat--" sasaktan niya sana ako nang biglang nagsalita si Sir Daryl.

"Tapos na ang trabaho niyong dalawa dito lumabas na kayo, at Kaelynn anong kailangan mo?" Lumabas na ng kwarto ang dalawa at narinig ko pang nagdadabog sa labas si Danrious sure ako patay ako mamaya sa kaniya.

Pero hindi ko muna iisipin iyon mamaya ko na lang siya haharapin, Ibinaba ko si Sir Darenn at humarap kay Sir Daryl.

"Gusto po sana namin manood ng stars mamaya," tumingkayad si Sir Darenn at pilit na inabot ang desk ng kuya niya.

"Please." parang nagulat si Sir Daryl sa sinabi ni Sir Darenn at napangiti.

"So nagpeplease ka na ngayon Darenn? okay sige sasamahan ko kayo mamaya pero kumain muna tayo ng hapunan." parang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako mapakali.

Sasama siya? Bakit! Jusko ano ba iyan parang ang romantic naman kung sabay kaming manonood ng mga bituin ng magkasama.

"Kaelynn okay ka lang?" Nabigla ako at tumango, agad kong binuhat si Sir Darenn at naglakad papalayo.

"Sige po Sir Daryl salamat po kakain na po kami." tumayo na rin siya.

"Sabay na rin ako." jusko! Bakit kailangan n'yang sumabay nang sumabay samin? Umiiwas na nga ako sa kaniya eh, nang-aasar ba siya? At saka pagnakita na naman ako ni Danrious na kasama ang kuya niya malilintikan na naman ako don.

Saan ko ba ilalagay ang sarili ko sa mansion na ito? Para siyang isang malaking kulungan na may bawat kwarto at sa bawat kwarto na iyon ay may parusang nag aabang.

Ayoko na! kailangan ko magfocus sa trabaho ko! Wag mo muna isipin ang kilig Kaelynn.

Huminga ako ng malalim at sumunod na kami sa paglalakad kay Sir Daryl, pagbaba namin sa kusina nandoon na 'yung dalawa at kumakain.

Mukhang pagod na pagod sila at si Danrious parang sinakluban ng lupa at langit sa itsura niya, basag din ang ilong niya.

"Tinitingin tingin mo?" Nagulat ako at iniwas ang tingin sa kaniya, tinititigan ko na pala siya hindi ko alam.

"Sabay ka nang kumain samin Kaelynn." masayang pag-aaya ni Daniel at ngumiti ako sa kaniya.

"Hindi na mamaya na lang ako," tumango siya at ngumiti sa'kin, kung hindi dahil sa kaniya siguro hindi pa titigil ang kakambal niya sa ginagawa nito sa'kin kanina.

Nagpapasalamat na lang ako at medyo close ko na si Daniel, si Danrious lang naman talaga ang pinaka na kakabwisit sa bahay na ito.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinakain na si Sir Darenn, pagtapos nun ay pumunta akong kusina para ayusin ang unting pagkain na dadalhin namin sa dagat para mamaya.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon