CHAPTER 29

46K 1.4K 67
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Hinila niya pa ko pataas at hindi ko na maabot ang sahig, ang sakit ng braso ko parang matatanggal.

"Ano ba! Bitawan mo ko wala akong paki," sabi ko at siniko siya ng isa kong braso kaso agad niya rin 'tong nahawakan.

Nakakaagaw na kami ng atensyon ng mga istudyante, nakita ko 'yung isa naming classmate ni Red na sumilip at sumiksik pa sa dami ng tao.

Siya 'yung babae nung nakaraan, 'yung nakasalamin.

Tinitigan niya lang ako at parang walang nakita at umalis na, nalungkot ako dahil inaasahan kong tutulungan niya ko kahit papaano pero hindi binaliwala niya lang ako.

"Ano bang gusto mo Kidd?" Iba na ang mukha ni Danrious kumpara kanina, inis na inis na siya at pulado na ang mata niya.

"Hmm? Ano nga ba?" Tumingin siya sa'kin at inamoy ang leeg ko, kinilabutan ako at pumikit na lang sa takot.

"Pwede bang mahiram ang isang ito kahit isang gabi lang? Tutal yaya mo naman siya at isa pa best friend naman tayo hindi ba?" Lalo n'yang inasar si Danrious at ngayon ay lumabas na ang pangil nito at handa ng sumugod.

"Woah, dude wag gan'yan pumapangit ka eh, hihiramin ko lang naman siya," sabi niya at hinawakan ang bewang ko, na bigla ako pero hindi ako makapalag dahil sa takot.

"Pag 'di ka pumayag, sasabihin ko kay kuya na wag na ituloy ang proposal sa kuya mo. Ano deal?" Yumuko si Danrious at hindi umimik. Anong deal? Ano 'yon?

"Teka anong commotion 'to?" Narinig kong sigaw ni Sir. Six at nagsiayusan ang mga istudyante.

"Nothing," sabi nung Kidd at kampante pa rin na hawak-hawak ako.

"Mr. Cross ayon sa school rules hindi pwede ang ginagawa mo kay Ms. Alberona." ngumiti siya kay Kidd at mahinahon na lumapit dito.

"If I were you isipin mong maigi kung ano 'tong pinapasok mo," sabi niya kay Sir. Six kaya sumeryoso ang tingin niya dito.

"Kidd nakausap ko na ang kuya mo at please maayos ang deal so kung gagawa ka ng gulo then go on," sabi niya kaya na inis si Kidd at lalong humugpit ang kapit niya sa pulso ko.

Napahinghap ako sa sakit pakiramdam ko mapuputol na ito.

"Runo!" Sigaw ni Red at akmang tatakbo papunta sa'kin kaso pinigilan siya ni Daniel.

"Hay okay okay, masyado ng madaming pakialamero, we were settle this next time Danrious," sabi niya at binitawan na ko saka ako hinagis sa kanila.

Sinalo ako ni Red at galit na galit na tinigna 'yung Kidd habang papalayo.

"Thank goodness umabot kami, hay salamat na lang kay Ms. Hernandez." napalingon ako at nakita ko ulit 'yung classmate namin na sumilip saka tumakbo papuntang room.

Tinulungan niya kami?
Kaya pala siya tumakbo para tawagin si Sir Six.

"Okay, balik na kayo sa mga classroom niyo," pagsasa-ayos ni Sir Six.

Lumapit naman sa'kin si Daniel na kanina ay kinakalma ang kakambal niya.
"Okay ka lang Kaelynn?" Tumango ako at inalalayan ni Red.

Tumingin ako kay Danrious at galit na galit pa rin siya 'yung mga ngipin niya nagngingitngit sa galit.

"Kayong dalawa bumalik na rin kayo sa room niyo okay," sabi ni Daniel at inalalayan na kong tumayo.

Lalapitan ko sana si Danrious kaso sinamaan niya ko ng tingin at daredaretsyong naglakad papalayo.

Vampire's PetHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin