CHAPTER 34

37.5K 1.4K 141
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Kumatok ako at binuksan ang pinto, nakita ko siyang nakahiga sa kama at nag te-text.

"Maglilinis na po ako," sabi ko sa kaniya at nagsimulang magpunas ng mga devider, hindi niya ko pinapansin at tinuturing hangin.

Pero hindi ko na lang inisip iyon at pinagpatuloy ang trabaho ko, medyo madilim pa sa labas at tulog pa ang ibang tao sa mansion.

Nagpupunas ako nang biglang mapukaw ng pansin ko ang mga pictures na nakadisplay. Nakita ko ang picture ng mama niya at sila noong maliit pa, puro picture ng mama niya ang kwarto na ito.

Siguro dito nila nilagay lahat ng ala ala ng mama nila noong na wala ito bigla, iniwan ba sila nito at sumama sa iba? Ano nga bang nangyari sa mama nila.

"Katulad ka n'yan ni mama, manloloko." napalingon ako sa kaniya at ganoon pa rin ang posisyon niya hindi man lang tumingin sa'kin.

Hindi na ko umimik at baka kung patulan ko pa ang sinasabi niya lumaki pa ang gulo, andito ako para makipag-ayos sa kaniya hindi para bwisitin na naman siya. Mabuti pang tapusin ko muna 'tong ginagawa ko.

Nagpunas ako, nagtanggal ng agiw at huli ay naglampaso, huminto ako saglit kasi nahihilo ako dahil wala akong maayos na tulog.

Bumangon siya at umupo sa kama niya, nakatingin siya sa'kin ng bored na expression niya.

"Hindi ka napapasok sa school bukas, dito ka nasa bahay." nabitawan ko ang basahan ko sa pagkabigla, hindi na ko makakapag-aral?

"Pe-pero," tumaas ang isang kilay niya at lumapit kaunti sa'kin.

"Bakit? Katulong ka sa bahay na ito hindi palamunin o ano pa man." napayuko ako at pinipigilan ang sarili ko magalit o maiyak.

"At isa pa pala, tatanggalin ko na rin ang scholar kay Red, o hindi naman kaya 'yung proteksyon niya mula sa school. Magandang idea iyon hindi ba?" napatayo ako at napayukom ang palad ko sa inis.

"Wag mo na siyang idamay dito please lang, may pangarap ang best friend ko wag mo na siyang idamay pa dito." tumayo siya at tinulak ako sa sahig, natumba ako at tumapon 'yung tubig sa timba.

Umupo siya at tinignan ako ng may inis sa mukha.

"Gagawin ko lahat payagan mo lang siyang pumasok Danrious." tumungo siya at sinabing.

"Sige nga halikan mo ko ng matagal." nanlaki ang mata ko, tinitigan niya ko ng para bang walang kabuhay-buhay ang mukha niya at tamad na tamad.

Napayuko ako, kung hindi ko gagawin ito mapapahamak si Red. Hindi ko kayang isipin na ako ang dahilan para mangyari iyon.

"Ano?" Sabi niya at unti-unti akong lumapit sa kaniya, tinitigan niya bawat galaw ko at sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tensyon na binibigay niya.

Ilang pagitan na lang at mahahalikan ko na ang labi niya, pumikit ako sa takot at hiya sa ginagawa ko.

Kaso nang maramdaman ko ang pagtama ng ilong namin at bigla niya kong sinampal. Tumayo siya at tinignan ako ng sobrang galit na galit.

Napahawak ako sa pisngi ko, sobrang sakit nito pero mas masakit 'yung nararamdaman kong emosyonal.

Naiyak na ko ng tuluyan sa ginawa niya sa'kin habang hawak-hawak ko ang pisngi ko at nakatingala sa kaniya.

"Talagang gagawin mo lahat para sa kaniya no? Kahit na hindi mo gusto gagawin mo?" Sabi niya sa'kin at nakita ko na naman ang pagpula ng mga mata niya.

"Umalis kana sa kwartong 'to," mahina n'yang sabi nung una at bigla na niya na kong sinigawan.

Vampire's PetΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα