CHAPTER 46

41.5K 1.4K 197
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Tatlong araw na ang lumipas mula ng manirahan kami sa maliit na apartment na ito. Masaya naman kahit kaming dalawa lang at paminsan-minsan ay ako lang talaga mag-isa dahil pumapasok siya.

Tapos ngayon may part time job pa siya sa umaga kaya balot na balot siyang lumalabas ng bahay. Nakahanap naman siya ng trabaho bilang waiter sa isang fast food chain sa mall.

Lagi siyang may uwing fries sa'kin saka spaghetti tapos n'un matutulog siya ng mga apat na oras at saka naman papasok sa school.

Sa school naman medyo okay na siya at ng mga kapatid niya, iyon lang 'yung way para magkita sila ni Daniel dahil bantay sarado si Daniel sa mga guard na ayaw siyang palapitin kay Dandan.

Masyadong mahigpit si Sir Danilo, siguro pinapamukha niya sa anak niya na wala siyang magagawa kung hindi siya hihingi ng tulong sa ama niya.

Masakit din siguro kay Sir Danilo ang naging pasyang paglaban sa kaniya ng anak niya kaya pilit niya 'tong binabalik sa mansion sa pang gigipit na paraan.

"Dito na ko," agad akong tumakbo papuntang pinto at inintindi siya.

"Ano ba Runo wag ka ngang magtatakbo mamaya makalog 'yung baby eh," sermon niya sa'kin at pagod na pagod na pumasok sa kwarto.

"Sorry, anong gusto mong kainin? O gusto mo bang maligo muna o --" Ngumisi siya at tinakpan ang bibig ko.

"Ikaw ang gusto kong kainin." pinaningkitan ko siya ng mata at tumawa siya saka humilata sa sahig.

"Ahhh sakit ng likod ko." tinulak ko siya padapa na kinabigla niya.

"Oy joke lang pagod ako hindi kita makakain." binatukan ko siya at idiniin 'yung palad ko sa likod niya.

"Wag kang feeling hihilutin ko lang ang likod sira ulo 'to." na rinig ko siyang napatawa at hinayaan na hilutin ang likod niya.

Kahit bampira rin pala napapagod? Sabagay umaga ang oras ng trabaho siya sure ako mahirap sa kaniya iyon.

Pagtapos n'yang kumain matutulog siya saglit at tapos papasok na naman at da-daretsyo sa trabaho.

Ang schedule niya ay papasok siya ng 8pm-3am tapos daretsyo na siya sa trabaho niya na bukas ng 24/7 so night and day shift niya, 3am - 12pm naman ang oras ng trabaho niya. Tapos nun matutulog na siya pagkauwi at papasok na naman.

Sobrang na aawa ako sa kaniya dahil siya lahat ang gumagawa ng paraan para mabuhay kami, wala man lang akong maitulong sa kaniya kundi ang ipagluto at alagaan siya. Iyon na nga lang talaga ang magagawa ko.

Napatigil ako sa pagmamassage sa kaniya.

"Uy bakit ka tumigil?" Tumingin siya sa'kin at umiling lang ako.

"Wala, sorry Dandan wala akong magawa kundi ang pagsilbihan ka hindi ako makatulong sa paghahanap buhay." Bumangon siya at umupo saka hinawakan ang kamay ko.

"Anong pinag sasabi mo? Mas may malaki kang gagampanan pag-iniluwal mo ang anak na'tin, mas mahirap sa lahat iyon kaya para sa'kin kayanin mo okey? Alagaan mo 'yung anak na'tin." tumango ako at ngumiti sa kaniya, hindi ko alam na may ganitong side pala ang mokong na ito.

Araw-araw kaming magkasama at sa bawat araw na iyon lalo ko siyang nakikilala, thankful ako at hindi pinagsisisihan lahat ng desisyon namin dalawa.

"Isa bayad ito sa ginawa ko sayo kaya hayaan mo kong bumawi sayo," tumungo siya at mukhang lumungkot, iniisip niya pa rin ba 'yung ginawa niya sa'kin?

Vampire's PetWhere stories live. Discover now