CHAPTER 43

41K 1.4K 203
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Naging maayos naman ang lahat ngayon araw, busy ang mga maids sa paghahanda at paglilinis ng bahay para sa pagdating ni Sir. Danilo bukas.

Wala si ate Mila kaya medyo magulo at kahit gusto kong tumulong ay bantay sarado ako kay Danrious.

"Oy! alam mo hindi tatakbo 'yang anak mo palabas ng tiyan ko." Na tawa na lang ako kasi seryoso siya na nakatingin sa'kin at sa tiyan ko.

"Malay mo." lalo akong napatawa kasi seryoso talaga siya, medyo O.A na nga ang pagiging protective niya samin eh.

Pero masaya pa rin ako dahil siya ang ama ng magiging anak ko, hindi pumasok sa isip ko na mabubuntis ako sa edad na bente at makakapangasawa ng isang poging bampira na medyo mainitin ang ulo at isip bata.

"Ikaw anong tinitingin-tingin mo?" Tanong niya sa'kin kasi tinititigan ko rin siya. Tinaasan niya ko ng kilay at parang hindi mapakali.

"Wala baka takbuhan mo rin ako eh." binigyan niya ko ng bored na expression.

"As if naman, kulang na nga lang itali kita sa katawan ko eh." Bumabanat na naman siya kinilig tuloy ako.

"Oy! pwede ba tigilan niyo 'yang kasweetan niyo? Na iinggit ako eh, ako 'yung gustong tumakbo saka tumalon sa dagat dito dahil sa pang iingit niyo." Natawa kaming pareho kay Daniel na kumakain ng prutas at hindi pa rin hinayaang palabasin ng kwarto.

Buong maghapon ganoon ang ginawa namin ang magkwentuhan at mag-asaran, nakakamiss 'yung ganitong eksena nilang dalawa buti na lang talaga at nagbati na sila kasi hindi ako sanay makita silang hindi magkasama.

Mabilis na lumipas ang oras at panahon na para harapin namin ang papa nila, lahat kami nagtipon sa sala para intayin siya.

Umalis na rin si ate Ash at hanggang ngayon naman ay wala pa rin si ate Mila, kabado tuloy ang mga maids at hindi lang sila dahil lahat kami sa mansion ay nakakaramdam ng kakaibang tensyon.

Parang ayaw nila makita ang papa nila, bakit ganoon? Kinakabahan din tuloy ako sa pagtingin pa lang sa mga mukha nila.

"Andito na po si Sir. Danilo." pumasok sa pinto ng sala 'yung isang maid at pinagbuksan ng pinto si Sir Danilo. Tumayo silang lahat kaya sumunod ako at kabadong hinarap ang tatay nilang lahat.

Pumasok ang isang may edad na lalaki pero makikita mo pa rin sa itsura niyang malakas siya, kamukha niya si Sir Daryl pati ang expression ng mukha nila.

"Mga anak ko," bati niya dito at isa-isang lumapit sila sa kaniya. Niyakap nila ito saglit pwera kay Sir Darenn na ayaw lapitan ang papa niya.

Mahigpit 'tong na kakapit sa palda ni ate Sol at nagtatago sa likod nito. Lumapit si Sir Danilo sa kaniya at pinantayan siya ng upo.

"Bakit ayaw akong batiin ng bunso ko?" Nginitian siya ni Sir Danilo pero bakit ganoon? 'Yung ngiti niya parang katulad kay Sir Daryl pero parang mas plastik o hindi totoo ang mga ngiting iyon.

Napakunot ang noo ko sa kaniya at nilipat niya ang atensyon sa'kin, umakyat ang takot ko sa katawan ng bigyan niya ko ng ngiting iyon.

"Danrious siya ba ang mapapangasawa mo?" Tumango si Danrious sa kaniya.

"Opo papa." tinignan niya ko ng nakangiti niyang mukha at ngumiti rin ako sa kaniya kahit nilalamon na ko ng takot ko.

"Rious mana ka talaga sa'kin ano? Hahahaha, anong gagawin mo sa kaniya pagtapos?" nung sinabi niya ang salitang iyon tuluyan nang bumitaw ang pag-asa ko na magiging mabait siyang lolo para sa magiging anak namin.

Vampire's PetOn viuen les histories. Descobreix ara