CHAPTER 9

67.8K 2K 154
                                    

Dedicated to: @FoodIsMyAddiction

❦❦❦

KAELYNN's POV

This past few days parang nagiging weird ang kambal, napapansin ko nag aaway na sila sa maliit na bagay at lagi silang nag uunahan.

Katulad na lang ngayon,"Rious doon ka muna sa kwarto ko pwede? Na una ako dito at maglalaro kami ni Darenn," sabi ni Daniel habang yakap-yakap ang kambal pero halata mo sa mukha niya na plastik ang ngiti at hindi yakap kundi sakal ang ginagawa niya sa kambal niya.

"Niel, sino nag sabing kailangan mauna-una sa kwarto na 'to? Sira na ba ang tuktok mo?" Nakakunot na ang noo ni Danrious sa kakambal niya at habang nag aaway na naman sila pagkakataon na namin ni Darenn makatakas at pumuntang garden para maglaro.

Kaso biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang pinakapoging nilalang sa mansion na ito ay este si Sir Daryl pala.

"Kaelynn may uutos ako sayo sa bayan." hindi man lang siya tumingin sa'kin at panay ang pindot sa cellphone niya.

"HA? BA'T SI KAELYNN!?"

"HA? BA'T SI RUNO!?" Sabay pang sabi ng kambal at halatang pikon na pikon.

"May problema ba dun? Maid na'tin siya kaya trabaho niya 'yun," sabi ni Sir Daryl na chill na chill lang at busy sa kakapindot ng cellphone niya, na ramdaman ko naman si Sir Darenn na hinihila ang palda ko.

"Chama ato!" napatingin ako kay Sir Daryl at umiling ito, seryoso lang siya at may business man look sa mukha niya 'yung parang laging a-attend sa meeting at kailangan seryoso ka lagi.

"Hindi pwede and'yan naman ang mga kuya mo aalagaan ka nila hindi ba Danrious? Daniel?" napanguso 'yung dalawa at inis na inis.

"NO BA YAN! ANONG SUMMER VACATION TO!" sabay nilang sigaw at mukhang hindi na gustuhan ni Sir Daryl at ngumiti siya, 'yung ngiting aayawan mong makita.

"NO BA YAN! ANONG SUMMER VACATION TO!" sabay nilang sigaw at mukhang hindi na gustuhan ni Sir Daryl at ngumiti siya, 'yung ngiting aayawan mong makita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"May sinabi ba kayong dalawa?" Natakot ang dalawa at agad nilang kinuha si Sir Darenn saka binuhat.

"Wala kuya hahaha, aalagaan na namin siya," sabay na naman nilang sabi at nilaro na ang bunso nilang kapatid, ako naman ito medyo kabado sa iuutos niya.

"Kung itatanong mo kung anong iuutos ko sayo, madali lang naman," may inabot siya saking listahan ng bibilhin.

"Bilhin mo lahat ng na kalista diyan at ihatid sa company namin, absent kasi ang secretary ko ngayon kaya walang mag aayos nito sa opisina ko," tumango ako at may kinuha pa siya sa bulsa niya at isinabit sa'kin.

Na bigla ako, ang lapit niya sa'kin pakiramdam ko pinapakuluan ako dahil nag-iinit na ang mga pisngi ko.

"Iyan wag mong huhubarin iyan pagpumasok ka sa kompanya, lahat ng worker doon ay bampira palatandaan iyan na inutusan kita at pagmamayari kita." pagmamay-ari? Ako? Ni Sir Daryl!?

Vampire's PetWhere stories live. Discover now