CHAPTER 50

34.7K 1.1K 122
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Tumunog 'yung alarm ko at agad akong bumangon, nag unat-unat ako at tumayo na saka niligpit ang higaan ko.

"7:30 am." ngumuso ako, medyo inaantok pa ko sa katunayan nga n'yan lagi na kong na tutulog, pag-alis pa lang ni Dandan natutulog na ko tapos pag-uwi niya sasabayan ko pa siya ng tulog. Lately malakas talaga akong matulog at medyo lagi akong nang lalambot at nang hihina, hindi kaya dahil lumalaki na siya?

Tumingin ako sa salamin at tinignan ang bilog na bilog kong tyan, para na siyang three months kahit one month pa lang siya.

Ganito pala kabilis lumaki ang mga bampira sa loob ng tyan ng mama nila? Pilit ako naglakad at umalalay sa pader papunta kusina. Ganito naman ako lagi eh, para akong nilalambot pagkagising ko pero pag nakakain na ko medyo okay-okay naman na ko.

Nag mumog ako at naghilamos saka uminum ng isang basong tubig, nakita ko 'yung blood drugs na iniinum ni Dandan na nakalapag sa lamesa.

Na iwan niya 'yung gamot niya? Inilagay ko ito sa cabinet sa taas at umupo muna saglit.

Bakit ganito? Sobrang nahihilo ako this time parang kinakain ang buong katawan ko at lakas ko.

Umiling ako, siguro inaantok pa ko kaya ako ganito.
Tumayo ako saka ako naghanda ng makakain namin, alam ko may iniwan pang ulam si mama dito sa ref eh, iiinit ko na lang o kaya isasangag ko.

Mamaya pa naman dating ni Dan pwede pa ko mag-ayos ayos ng bahay dahil isang buwan na ata ako hindi nakakapaglinis ng buong bahay.

"Tama para naman pag-uwi niya mapreskohan siya sa bahay naming," iniluto ko na 'yung ulam at 'yung iba sinangag ko.

Kumain na naman ako mag-isa sa bahay at tapos nun ay nagpahinga ako kaunti, na wala na 'yung hilo ko katulad ng sinabi ko kain lang ang katapat nun.

Medyo sumigla-sigla na ko pagtapos ko kumain at ako kasi 'yung tipo ng buntis na hindi nagsusuka o maarte sa pagkain, maarte siguro sa mukha ni Danrious dahil asar na asar ako sa pagmumukha ng mokong na iyon.

Sa kaniya kasi ako naglilihi at kay Red isama mo na 'yung patatas, napabuntong hininga ako at medyo tinamad sa paglilinis.

Ano ba naman kasi 'tong buhay na ito parang paulit-ulit lang, ni hindi ko man makasama ng matagal sa bahay si Danrious kung kailan magkasama na kami sa iisang bubong.

Busy siya masyado sa trabaho niya at pag-aaral wala na siyang oras para sa'kin pero alam ko naman na lahat iyon ay ginagawa niya para mabuhay kami mag-anak.

Kaso kasi nung nakaraan gabi sabi niya maghahanap pa daw siya ng isa pang part time job, eh wala na nga siyang time para magpahinga at tumigil sa bahay kasama ko.

Tapos kukuha na naman siya ng panibagong trabaho? Ayaw ko nga lalo ko lang siya mami-miss pagganun.

Kahit araw-araw ko siyang inaaway hindi naman ibig sabihin nun hindi ko siya mahal, pero kailangan ko magtiis eh, kailangan namin magtiis.

"Hay," napabuntong hininga na lang ako at sumalumbaba sa table dito sa kusina.

Saming dalawa alam ko siya ang pinaka na hihirapan, kaya anong katapatan kong magreklamo? Ginagawa niya ito para samin.

Bakit ba kasi wala akong maitulong sa kaniya? Bakit puro upo at higa na lang ang ginagawa ko sa bahay. Tapos pinagbabawalan niya pa ko kumilos sa bahay kaya iyan tuloy hindi ako makapaglinis at tuwing linggo naman siya pa ang naglalaba.

Ang tanging ginagawa ko lang na gawaing bahay ay ang pagtitiklop ng damit at paghuhugas ng plato, tapos nun ipagluluto ko siya ng baon niya at aawayin na siya buong oras na andito siya sa bahay.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now