CHAPTER 10

67K 2K 180
                                    

Dedicated to: @skullbtch

KAELYNN's POV

❦❦❦

Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung nangyari samin kahapon ni Sir Daryl at saka 'yung past niya tungkol sa mama niya, pano nagawa ng isang ina iyon sa anak niya?

Napatingin ako sa mukha ko sa salamin habang naghihilamos, katulad ba rin nila akong ulila sa ina? Asan na ang papa nila? May karapatan ba kong makisali sa problema nilang pamilya o mas mabuti na wag na lang akong mang himasok sa problemang 'yun?

Napabuntong hininga ako at pinunasan ang mukha ko ng tuwalya saka lumabas ng CR pero paglabas ko nang CR na bigla ako nang makita ko ang kambal na nakahiga sa kama ko.

"Morning Kaelynn!" Masayang bati sa'kin ni Daniel at binato ko sila ng tuwalya.

"Umagang umaga ginugulat niyo ko," pano ba naman kanina lang pagpasok ko sa CR walang katao tao sa kwarto ko at nakalock pa ang pinto tapos paglabas ko may nakahiga na agad sa kama ko, wala man lang akong narinig na ingay ng pagpasok nilang dalawa.

"Tinatawag ka namin kanina pa hindi ka na sagot kaya pumasok na lang kami," ngiting ngiting sabi ni Daniel, ganoon na lang ba talaga kalalim ang pag-iisip ko sa nangyari kahapon kaya hindi ko sila na pansin?

"Sorry," sabi ko na lang at inayos ang damit na susuotin ko.

"Halika nga dito saglit Runo," sabi ni Danrious na seryoso, mukhang galit na naman siya. Kinabahan ako pero huminga ako ng malalim at sinunod ang utos niya, umupo ako sa gilid ng kama kung saan sila nakahigang dalawa.

"Lapit pa," pag-aaya niya kaya sinunod ko na lang kahit kabado na ko.

Lumapit pa ko ng kaunti nang bigla n'yang hilahin ang braso ko para mapalapit sa kaniya at hinawakan n'yang maigi ang bibig ko, 'yung tipong na pipiga na ang magkabilang pisngi ko.

"Uy Rious teka," sabi ni Daniel at pagpigil sa kakambal.

"Wag ka munang mamakialam Daniel, tatanungin ko lang siya." sumama ang tingin niya sa'kin at tinitigan ako ng sobrang talim.

"Anong nangyari sa inyo ni kuya Daryl kahapon?" Sinamaan ko rin siya ng tingin, pano ako makakasagot kung pinipiga niya ang mukha ko kaya iniling ko ang ulo ko at pumalag sa pagkakahawak niya.

"Wala akong ginawa," sabi ko habang hinahabol ang hininga ko.

"Talaga lang ha? Tingin mo maaakit mo si kuya?" tinaasan niya ko ng kilay at inikot ang kamay niya sa batok ko saka ako hinila papalapit sa mukha niya.

"Di ba sinabihan na kita noon, wag na wag kang lalandi kay kuya Daryl. Eh ayaw mong makinig kaya magtiis ka." hindi pa ko nakakapagreact ng bigla n'yang marahas akong hinalikan.

Nanlaban ako at mariing isinara ang labi ko, na ramdaman kong mas nagalit siya sa ginawa ko kaya ginagat niya nang madiin ang labi ko sanhi ng pagdugo nito.

"Rious," tawag sa kaniya ni Daniel pero hindi siya nakikinig, ipinasok niya na ang bibig ko at balak pang paglaruan ang loob nito. Halos mandiri na ko sa ginagawa niya at lasang lasa ko na ang dugo ko sa mga halik niya.

Napapikit ako ng lalo n'yang laliman ang halik niya at pagdilat ko nakita ko ang pula n'yang mata na masamang nakatingin sa'kin habang patuloy akong hinahalikan.

Hindi ako makapalag, dahil hawak niya ang ulo ko at ang isang kamay niya ay hawak ang kamay ko. Tumulo ang luha ko sa pambababoy na ginagawa niya sa'kin ito na naman 'yung kaba at takot ko sa kaniya muling bumabalik.

Vampire's PetWo Geschichten leben. Entdecke jetzt