SPECIAL CHAPTER

43K 1.4K 190
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


DARENN's POV

❦❦❦

"Bruoom bruoom!" wala ti ate taylin to na tatatamad.

Magbuburumbrum na lang ato kato wala ato kalaro tasi si ate Tol (Sol) nagluluto tas maglalaba pa taw siya.

"Hay, gutto ko na lumaki !" Gumulong gulong ato ta tahig at tinilip ang bintana.

Tumimangot ato kate wala ti mama ta labas, tuwing number torty ta talendaryo pumupunta tya dito para dalawin ato eh. Tapos kakaway tya mula ta bintana at aalit na agad.

Batit taya ataw pumatok ni mama ta mantyon? Galit ba tya kala kuya o takot tya ta mga dog? Wah, guto ko makita ti mama taka ti ate taylin to.

❦❦❦

At dito mag uumpisa ang araw ni Sir Darenn kakaisip kung anong lalaruin at gagawin niya.

Wala siyang kasama sa kwarto niya dahil wala ang ate Kaelynn niya, 'yung bagong maids naman na hina-hire ng kuya Daryl niya ay busy sa gawaing bahay at tamad siyang laruin kaya ayaw niya doon.

Iniisip ng bata kung anong pwede niyang gawin sa araw na 'to katulad ng mga lumipas na araw.

Kahapon, nagkulay siya at nag-drawing maghapon saka ipinakita kay ate Kaelynn niya ng makauwi na 'to galing school, nagsawa na siya doon kaya iba naman ang gusto niyang gawin ngayon.

Gusto niya sanang maglaro sa dagat kaso hindi siya pinapayagan ng mga maids nila dahil wala daw sasama sakan'ya sa labas at mataas ang sikat ng araw.

Nagtaka siya. "Batit ayaw nila ta araw?" At gumulong ulit sa sahig na parang bola.

Wala na siyang magawa at na iinis na siya kasi wala siyang kalaro, 'yung mga books na bigay sa kaniya ni ate Kaelynn niya lahat ay alam niya na, hindi niya naman maintindihan ang mga libro sa library ng mansion nila dahil mga history books ito at iba pang makalumang libro ang laman noon.

"Hindi naman ato marunong pa magbata." at sumalampak na naman siya sa sahig at gumulong-gulong.

Naiinis na ang cute na bida na'tin kaya tumayo siya at sumilip sa bintana, tinignan niya kung gano katarik ang kwarto niya papunta sa baba.

"Dudulong lang ato hindi ako matataktan," sabi niya at may balak na tumalon, pero nang makita niya ang lalim ng babagsakan niya na nginig ang bida na si sir Darenn at gumapang papuntang kama niya.

"Atoooo? Atooong gagawin to?" Nagpagulong gulong siya sa inis at biglang tumama sa mga librong na kakalat sa kama niya.

Umupo siya at tinignan kung ano ang mga 'to, "rapuntel?" Sabi ng bata at binuklat ang libro. Nakita niya ang na kaguhit sa libro, isang babaeng may mahabang buhok at ginagamit ito ng prinsepe para makarating sa kwarto ng prinsesa.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now