CHAPTER 27

49.2K 1.5K 127
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Simula na naman ng klase at walang pinagbago, kahit na subukan kong kausapin sila ng matino at makipagkaibigan sa kanila binibigyan pa rin nila ako ng mga matatalim na tingin at malamig na trato.

Kung hindi ka nila iisnobin madalas may balak silang gawin sayo pero salamat na rin sa kambal at nakakatagal kami dito.

'Yung ID lace namin na kulay pula ang tanda na may nagbabantay o nagmamay-ari na samin dito kaya walang kumakanti samin, minsan nga tinatanong ako ni Red bakit daw na iiba kami palusot ko na lang na ito ang ang kulay ng lace ng mga scholar sa school na ito.

Actually parang kami na nga lang ang natitirang mortal dito eh, nung una naming pasok may nakikita at nakakasabay pa kong normal kumilos at nung maglaon na at lumipas ang buwan mukhang isa-isa na silang na uubos.

Malinis silang pumatay at iyon ang masakit doon, walang ka marka marka na ebedensiya para ipaglaban ang kamatayan nung pinaslang nila.

"Bili lang ako ice cream," sabi ni Red at sinamahan ko siyang pumunta sa may freezer kaso bigla siyang na paurong kaya nag taka ako.

"Ba-bakit may dugo dito?" Sinilip ko 'yung freezer at may bag nga ng dugo doon.

Kinabahan ako at naghahanap ng ipapalusot sa kaniya, nakatingin na samin 'yung ibang bampira na nasa canteen.

"Ah baka nilagay lang iyan para sa clinic? Or project ng mga Medtec na student." hindi ko alam kung kakagat pero mukhang kumampante na naman siya at tumingin sa'kin.

"Tara na na wala na ko ng gana," hinila niya ang kamay ko at lumabas na nga canteen pero sumusunod pa rin samin ang mga tingin nila.

Para sa kanila ang dugo na iyon ay buhay at pinandirihan lang ni Red, buhay naman talaga iyon eh buhay ng mga tao nakinitil nila at iyon ang nakakadiri doon.

"Red okay na ko 'yung kamay ko," napatingin siya sa kamay ko at umiwas ng tingin dito sabay bitaw.

"Ano balik na tayo sa room?" Tanong niya at tumango ako.

Habang pabalik kami sa room ay biglang na bungo ni Red ang isang babae na nakasalamin.

"Sorry," sabi niya at tinulungan naming pulutin ang bawat librong na hulog niya.

"Ayos lang," sabi nung babae, kung tititigan mo siya isa siyang geek, isang babaeng nakatirintas na dalawa at nakasalamain.

Maliit din siya at skinny ang katawan pero alam ko na agad na bampira siya dahil sa lace ng ID niya.

"Tulungan ka na namin buhatin ito, teka kaklase ka namin hindi ba?" Sabi ni Red at ngumisi sa babae.

Mukha naman siyang na hiya at tumungo lang.

"Kaya ko na ito mauna na kayo sa room," sabi niya at inagaw na 'yung libro sa kamay ni Red saka nilagpasan kami sa paglalakad.

"Tignan mo 'yon, siya na nga tutulungan siya pa galit bakit ganoon silang lahat sa'tin? Ano ba tayo may ketong para iwasan?" Inis na inis na sabi niya kaya hinampas ko na lang ang balikat niya.

"Wag mo nang pansinin tara na," aya ko sa kaniya pero mukhang ayaw niya pa.

"Tinamad akong bumalik sa room, may thirty minutes pa naman tayo eh dito na lang tayo sa hallway," sabi niya at umupo sa sahig at kinuha ang sandwich niya sa bulsa.

Umupo rin ako sa tabi niya at kinuha rin 'yung pinamili ko saka kami kumain dalawa, bawat dumadaan ay tumitingin sa'min pero wala kaming pake. Lagi namin gawain ito nung nasa high school at elementary pa kami eh.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now