CHAPTER 24

53.2K 1.6K 210
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Nagtitiklop ako ng damit ni Sir Darenn habang naglalaro kami sa sahig, multitasking pero kayang kaya naman kasi hindi mahirap alagaan si Sir Darenn.

Ngayon, pero dati sobrang hirap.

"Ate taylin ato oras ta aalis mamaya?" Tinulak ko 'yung laruan n'yang sasakyan papunta sa kaniya.

"8pm pagtulog mo," tumayo siya at pumunta sa likod ko, hindi ko alam ang gagawin niya pero na gulat na lang ako ng ibuhol niya sa buhok ko 'yung isang ribbon.

"Para saan ito Sir Darenn?" medyo magulo 'yung ipit niya sa'kin at masakit sa anit pero hindi iyon ang na ngingibabaw sa'kin ngayon kundi ang pang-gigil sa alaga ko dahil super sweet niya, kung pwede lang kita ilagay sa bag ko at isama sa school bakit hindi?

"Tipit tan ni mama tayo na lang," sabi niya at umupo sa binti ko, nakaindian sit kasi ako at umupo siya sa gitna ng binti ko.

Tinulungan niya ko magligpit at magtiklop kaso magulo kaya inuulit ko pag 'di niya nakikita, naiiyak ako. Parang ayoko pumasok at iwan si Sir Darenn kasi sure ako magiging busy ako baka mawala ang time ko  sakaniya.

"Ate taylin loki charm iyan ah, wag mong tutubarin," nag-nod ako sa kaniya kahit hindi niya nakikita dahil nakatalikod siya sa'kin, niyakap ko na lang siya at kiniliti kaya tawa siya nang tawa.

Maghahapon na nung nakatulog siya at nakalimutan ko itanong sa kaniya 'yung kalendaryo niya, iniisip ko kasi bakit lahat ng month kailangan n'yang markahan? Pero siguro nga trip niya lang tutal bata pa naman siya wala naman sigurong ibang meaning iyon.

Lumabas na ko at nag ayos-ayos ng gamit ko nang kumatok si ate Mila at pumasok.

"Ate Mila kakauwi mo lang?" Tumango siya at inilapag 'yung uniform ko.

"Salamat po," sabi ko at ngumiti lang siya pero hindi pa siya na alis.

"May iuutos ka ate Mila?" Umupo siya sa silya malapit sa'kin at tinignan ako maigi saka nagsalita.

"Kaelynn, anong full name mo?" Nilagay ko sa bag ko 'yung notebook na binili ko.

"Runo Kaelynn Alberona po." tumango siya at tumingin naman ako sa kaniya kasi parang may hinahanap siyang sagot.

"Bakit Runo? Bigay ba iyan sayo ng mga nag-alaga sayo sa ampunan?" Tumayo ako at umupo sa kama.

"Pagkakaalam ko po itong pangalan na ito ang pinamana sa'kin ng taong nag iwan sa'kin sa bahay ampunan tapos dinagdagan lang po nila sister kaya Runo Kaelynn ang pangalan ko." Tumango siya.

"Ano bang meaning ng Runo? Hindi ba parang pang lalaki?" Tama siya parang tunog pangalan nga ng aso eh bruno kaloka pero ang ganda ng meaning ng pangalan na ito sa totoo lang.

"Nung iniwan po kasi ako sa ampunan may sulat pong iniwan kasama ko, nakalagay po doon Runo- Beautiful blossom like a gem sa Japanese po ata 'yon?" Napatayo siya sa upuan at parang hindi mapakali.

"Ate Mila okay ka lang? Anong problema?" Umiling siya at ngumiti sa'kin sabay tapik sa balikat ko.

"Wala-wala mag-ingat ka pagpasok mo ha?" Tumango ako at lumabas na siya ng kwarto.

Okay, that's odd.

Naidlip ako ng kaunti para hindi ako antukin mamaya at nung 6pm na bumangon na ko at inintindi si Sir Darenn sa pagkain at iba pa bago ako mag-ayos ng sarili ko.

"Ate taylin inat ka dun ah," pinulbusan ko ang likod niya at pinalitan na ng pantulog ang damit niya.

"Oo naman ako pa," at yumakap siya bago humiga, mga 7pm na ko nakapag-ayos ng sarili ko at kumaripas ng kain at ligo buti na lang at mabilis na nakatulog si Sir Darenn kundi late ako at sermon sa kambal.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now