CHAPTER 41

44.9K 1.5K 118
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Minulat ko ang mata ko at tinignan ang paligid, na kita ko si ate Mila na natutulog sa sofa. Sinubukan kong bumangon pero sobrang bigat ng katawan ko.

"Kaelynn gising kana!" Mabilis na bumangon si ate Mila nang marinig ang kaunting ingay na nagawa ko.

"Wag ka munang tumayo mahina ka pa." hindi ako makapag-salita, parang tuyot na tuyot ang lalamunan ko.

Pinilit kong buksan ang bibig ko kaso pinigilan niya ko.
"Wag ka munang magsalita, panigurado na tuyot na tuyot na ang lalamunan mo." Inabutan niya ko ng isang basong tubig at inalalayan akong uminum.

"Ubusin mo iyan tapos papakainin kita ng sopas ha," tumango ako at bago pa siya umalis ay hinitak ko ang damit niya.

Napatigil siya at nilingon ako, pilit kong nilabas ang boses ko at sinabing.
"Sa--salamat ate Mila." ngumiti siya sa'kin at umalis na. Tinignan ko ang kamay ko na may dextrous na nakakabit.

Napatingin din ako sa braso ko na sobrang putla na at may unting pamumula at bakat pa ng mga pasa at kagat niya.

Muling pumasok sa isip ko si Danrious, na tanggap niya kaya 'yung regalo ko? Sana na basa niya 'yung sulat ko.

"Iyan ang iniisip mo matapos ng nangyari sayo?" na gulat ako sa nagsalita at nakita ko si Sir Daryl sa pinto.

Binabasa niya na naman ang nasa isip ko.
"Pasensiya ka na pero hindi ka makapag-salita hindi ba, hindi mo na gamit ang lalamunan mo kaya nagkaganyan, bali mag-iisang linggo ka nang walang malay Kaelynn." Na gulat ako sa sinabi niya at hindi alam kung anong sasabihin.

"Ayos ka na ba?" Tanong niya sa'kin at tumango lang ako.

"Pasensiya kana." Na gulat ako sa inasta ni Sir Daryl at ginulo niya ang buhok ko.

"You see na gawa lang ni Rious iyon sa sobrang pagmamahal sayo." tumango ako, alam ko rin iyon at hindi ko sinisisi si Rious kung na gawa niya sa'kin ito.

"Okay, you eat your food while I'll call the doctor." tumango lang ulit ako at pumasok nasa kwarto si ate Mila.

"Ate Mila ikaw muna bahala sa kaniya ah, tatawagan ko lang 'yung private doctor." lumabas si Sir Daryl at sinara ang pinto, tumingin ako kay ate Mila na mukhang pagod na pagod na.

Siguro siya ang nagbabantay sa'kin magdamag. "Ubusin mo ito para mabawi mo 'yung lakas mo pero hinay-hinay lang baka mabigla ang tyan mo." ngumiti ako sa kaniya at sinubuan niya ko.

Tinuturing ko na ring ina si ate Mila sa mansion na ito, madalas sa kaniya ako lumalapit at siya rin ang nag-aalok agad sa'kin ng tulong.

Kaya masaya ako na andito siya sa tabi ko. Kinain ko ang niluto niya at muling nagpahinga, umayos na naman ang boses ko kaya nagsimula na kong magtanong sa kaniya.

"Ate Mila si Sir Darenn?" Umiwas siya ng tingin sa'kin.

"Nasa kwarto ng kuya Daniel niya." na bigla naman ako, first time lang pumunta si Sir Darenn sa kwarto ng mga kuya niya ah, siguro naglalaro sila doon at inaalagaan siya ni Daniel.

"Naglalaro siguro sila." umiling si ate Mila at lumapit sa'kin.

"Kaelynn kumalma ka lang ah, ipangako mo sa'kin na magpapahinga ka muna sa kwarto na 'to." kumunot naman ang noo ko kay ate Mila, bakit kailangan kumalma?

"Po?" Yumuko siya at tumabi sa'kin saka hinawakan ang kamay ko.

"Ilang araw na hindi gumigising si Sir Daniel." na bigla ako at napahigpit ang kapit ko sa kamay niya.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now