Bullied

615 17 7
                                    

Jahz' POV.

Argh... maaga pa naman tsaka hindi pa dumadating yung teacher namin kaya naisipan kong magpahinga muna. Ang hirap kayang maging class president. Kailangan alam mo lahat dahil lahat ng nangyayari sa loob ng klase niyo kailangan mong ireport sa adviser mo. Ganun ang trabaho ko...

Naisip ko nga eh. Nakakapagod palang maging class president. Bat pa kasi ako ang napunta sa posisyon na to eh? Sa totoo lng, ayaw ko nga napilitan lng ako. Hay~ gusto ko munang magpahinga. Ipipikit ko lng yung mga mata ko. Saglit lng... saglit lng.

Izza's POV.

Ang ingay sa klase grabe... pero nagawa pa ring makatulog ng bestfriend kong si Jahz. Bilib talaga ako dito. Siguro pagod na pagod 'to kaya nagpahinga muna. Wait, anong oras na ba? Agad kong tiningnan kung ano oras na sa relo na suot ko. Oh! mag-uumpisa nang magbell ung school bell.

Ibig sabihin eto na ang oras para magising si Jahz. Pinuwesto ko yung camera ko sa harap ng mukha ni Jahz. Masarap pa yung tulog niya pero alam kong gigising na 'to. Yan na! Pagising na siya!

"1.... 2.... 3!", Pagdilat niya, klinick ko yung camera at napicturan ko siya.

Napabangon agad siya dahil sa ginawa ko at tumingin nang nakasimangot sa akin. Oh anong kasalanan ko?

"Ang aga-aga nangtri-trip ka ha. I-delete mo yun kundi mayayari ka sakin! I-delete mo na, Izza!", Pilit niyang kinukuha yung camera ko. Oops! hindi pwede hahahah!

"Oh wait nga lang, malapit nang magbell ah. Bat wala pa si Ma'am? Maaga naman dumarating yun palagi ah.", Tumingin ako nang seryoso kay Jahz.

"Alam mo ba kung bakit ang ingay-ingay at ang saya saya ng mga kaklase natin ngayon?", Nagtatakang tumingin si Jahz sa paligid pagkatapos humarap siya ulit sa akin.

"Ang ingay-ingay nila tapos ang saya saya pa. B-bakit kaya?", Napangiti ako sa tanong ni Jahz. Tulog ka kasi kaya hindi mo alam.

"Habang natutulog ka kanina ako muna ang naging incharged na class president. Nagtanong-tanong ako sa iba nating mga kaklase at alam mo ba kung bakit sila ganyan?", Lumapit si Jahz sa akin.

"Dahil kay Ma'am! Hindi siya makakapasok ngayon. Nahospital siya. Sabi nila nahulog daw siya sa hagdanan kahapon kaya yun nahospital.", Biglang nag-alala si Jahz.

"Hala! Kamusta naman kaya si Ma'am ngayon? Ok na kaya siya?", Nag-aalala ka pa ha.

"Jahz... may sakit ka ba?", Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Huh? Bat mo naman natanong yan?", Napangiti ulit ako.

"Nag-aalala ka kay Ma'am eh parati nga tayong tinutorture nun. Kaya nga ang ingay-ingay at ang saya saya ng mga kaklase natin kasi  alam nilang hindi makakapasok si Ma'am.", Biglang pinalo ako ni Jahz sa braso. Ouch!

"Wag ka ngang ganyan! Kahit ganun yun si Ma'am... naging mahusay pa rin siyang teacher/adviser sa atin.", Tsk... okay.

"Habang wala pa tayong teacher ngayon.", Nabigla ako nung kukunin sana ni Jahz yung camera ko. Hay~ buti na lang agad kong naiwasan yung kamay niya.

"Hahahah! Akala mo ha! Hindi mo ako maiisahan.", Tumayo si Jahz at hinabol niya ako. Pilit niya talagang kinukuha yung camera ko. Hindi pwede hahahaha! Matangkad kasi ako kaya hindi niya maabot yung kanang kamay ko lol

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now