I'm The New Boss

158 2 0
                                    

Ruby's POV.

Makipaglaban ka sa akin kung talagang matapang ka. K-kakayanin ko yang lakas mo. T-tatalunin kita. Yari ka na sa akin. Tinititigan ko lang nang seryoso si Edna. Pero nanlaki yung mga mata ko nung bigla siyang tumawa. M-may nakakatawa ba sa sinabi ko?

Hindi ako nakikipagbiruan!

"Hoy! Narinig mo ba ang sinabi ko?! Maglaban tayong dalawa!", Biglang huminto si Edna sa pagtawa nung magsalita ako.

"Ruby ano ba? Talaga bang hindi mo ako susukuan? Bahala ka ikaw din ang mapapahiya sa ginagawa mo.", Grr matatalo kita.

"Hindi mo ba naisip? Hinahamon mo ako makipaglaban sayo eh sanay ako sa labanan. Nag-aral ako ng martial arts. Ikaw... away kalye lang ang alam mo.", Grr! Naiinis na ako!

"Ang dami mong sinasabi. Labanan mo na ako!", Pagsabi ko nun. Sumeryoso na yung mukha ni Edna.

Dahan-dahan niyang tinali yung buhok niya pagkatapos tumingin na siya sa akin. Eto na, eto na yung pagkakataon kong makipaglaban sa isang tinuturing na boss dito sa school. Wala akong pakealam kung nag-aral ka ng martial arts. Basta kailangan lang kitang talunin. Yun lang.

Matagal kaming nagtitigan ni Edna. Ayaw mong sumugod edi ako na lang. Nung makita kong ngumiti si Edna, sinugod ko na siya. Sinubukan kong suntukin si Edna sa mukha pero nakailag siya. Hala, p-paano niya nagawa yun?

Tapos nakita ko siyang tumingin sa akin at ngumiti ulit. Inalis niya yung kamay ko sabay suntok sa mukha ko nang malakas na malakas. A-anong nangyayari sa akin? N-nahihilo ako. M-matutumba na ba ako? H-hindi kailangan ko pang talunin si Edna.

Wala akong alam na bumagsak na pala ako sa sahig. Ang huli ko na lang nakita ay lumapit sa akin si Edna at sinabi niya...

"Loser.", Hindi... hindi ako loser... hindi ako talunan.

Bigla nanamang nanikip yung dibdib ko. A-ano nanaman tong nangyayari sa akin?! Aaaahhhh!

"Aaaahhhh!", Anong nangyari?!

Pagtingin ko sa gilid ko nakita ko si Mr. Norman. I-isang panaginip lang pala edi ibig sabihin hindi mangyayari yun. Panaginip lang... nawala yung saya ko nung marinig ko yung sinabi ni Mr. Norman.

"Sabi ko nga sayo... matatalo ka kapag kinalaban mo siya. Nakita mo na yung mangyayari.", A-anong ibig niyang sabihin?

"A-anong ibig mong sabihin?", Lumapit sa akin si Mr. Norman.

"Yung oras... tingnan mo.", Dahan-dahan akong lumingon sa orasan.

B-bakit ganun 11:05 pa rin? Kanina pa ako natutulog dito ah. Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi baka wala lang battery yung orasan. Tinititigan ko nang mabuti yung orasan pero gumagalaw siya... hindi siya sira.

"Pinakita ko lang sayo yung mangyayari kung kakalabanin mo si Edna. Marunong siyang mag martial arts at tama siya away kalye lang ang alam mo.", Anong sabi mo?! Pero p-paano niya yan nalaman?

"A-ano bang nangyayari?! Sabihin mo! Hindi kta titigilan!", Ngumiti nanaman siya. Parati ka na lang ngumingiti. Baliw ka ba?

"Tingnan mo yung tinatak ko sa kamay mo kanina.", A-ano naman yung meron doon?

Dahan-dahan kong tiningnan yung tinatak ni Mr. Norman sa kamay ko kanina. Yung Go Fight! Nagulat ako nung makita ko siyang dahan-dahang nawala sa kamay ko. P-paano nangyari yun? Napatingin agad ako kay Mr. Norman.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now