Conscience

124 1 0
                                    

Jahz' POV.

Pagpasok ko sa loob ng faculty ng mga teachers. Umasta ako na parang normal yung walang kaba at takot sa mukha ko. Nginitian at binati ko sila isa-isa sa loob. Napansin ko lahat sila busy sa pagkwe-kwentuhan kaya nagkaroon ako ng pagkakataong masolo yung desk ni Mr. Norman.

Nilapag ko yung mga papeles na hawak ko sa ibabaw ng lamesa ni Mr. Norman. Tapos dali-dali na akong kumilos para maghanap ng mga bagay na hindi pangkaraniwan para sa akin. Yung una yung mga kontrata na nakita namin ni Izza nung pumunta kami sa counseling room.

Ano naman kaya yung sunod kong makikita? Dapat andito si Izza para matulungan din niya ako sa paghahanap pero busy siya sa pakikipagkwentuhan kay Joie eh kaya kumilos ako ngayon nang mag-isa. Kaya mo 'to, Jahz!

Tiningnan ko yung mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng desk ni Mr. Norman. Bigla akong napahinto nung makita ko yung class record namin. Dahan-dahan kong kinuha yun tapos dahan-dahan kong binuksan. Nanlaki yung mga mata ko nung makita kong may nakalagay na ekis.

May nakalagay na ekis sa mga pangalan nila Nin, Ruby, Leah, Faye, at pati na din kay Joie. Tama ako si Joie naman ngayon ang susunod na mawawala. Kailangan ko siyang makausap ngayon. Nagmamadali kong inayos yung ginulo ko pagkatapos tumakbo na ako palabas ng teacher's faculty.

Kailangan kong maligtas si Joie. Hindi siya pwedeng mawala.

Joie's POV.

Ano ba tong nagawa ko? Hindi. Hindi ka dapat makonsensya Joie. Wala kang kasalanan. Alam mo yan wala kang kasalanan. Kusang lumapit sa akin si Izza. Kaya wala ka talagang kasalanan, Joie. Wag mong sisihin yung sarili mo. Wala kang kasalanan.

Napatigil sa pagkwe-kwento si Izza nung lumapit sa amin yung isa sa mga babae kong kaklase. Nakita ko na may hawak-hawak siyang pagkain.

"Joie andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh.", Sabay kaming tumayo ni Izza.

"May kailangan ka?", Inabot niya sa akin yung hawak-hawak niyang pagkain.

"Para sayo. Nabalitaan ko kasing paborito mo yan kaya binili ko para sayo lang ha.", Ah... Eh...

"K-kumain na kasi ako. Salamat na lang.". Biglang sumimangot yung mukha niya tapos hinigpitan niya yung hawak niya sa pagkain hanggang sa mapisa na yung pagkain at binitawan na niya.

"Hindi mo tinatanggap yung bigay ko?", N-natatakot na tuloy ako.

"H-hindi naman sa ganun. Kumain na ako eh. B-busog na kasi ako sorry.", Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin pero umaatras ako. Natatakot ako.

Pagtingin ko kay Izza. Nakangiti lang siyang tinititigan kaming dalawa. B-bat hindi niya ako tinutulungan? Bigla akong napahinto sa pag-atras nung mapansin ko na wala na akong maaatrasan pa. Ano ba 'to natatakot na ako!

Nanlaki yung mga mata ko nung may biglang humatak sa kanya. S-si Jahz. Humarap yung isa sa mga babae kong kaklase na bibigyan sana ako ng pagkain kay Jahz.

"Layuan mo na si Joie. Narinig mo yung sinabi niya diba? Hindi na siya nagugutom kaya tumigil ka na.", Nakatingin lang siya kay Jahz. P-parang wala siyang naintindihan sa mga sinabi ni Jahz.

Nabigla ako nung tinulak niya si Jahz palayo sa kanya. Nakita ko na natumba si Jahz. Hala! Kailangan kong tulungan si Jahz.

"Jahz! Ok ka lng?", Lumapit agad ako sa kanya.

"Joie. K-kailangan mo munang umalis dito. W-wag kang mag-alala ako na ang bahala sa kanilang dalawa.", H-hindi ko pwedeng iwan si Jahz.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now