Truth Hurts

83 1 0
                                    

Angel's POV.

Sabi na nga hindi kaibigan ang turing niya sa akin. Plastic pala siya. Tsk lalandiin mo pa ang boyfriend ko. Hinding-hindi ko hahayaang gawin mo yun. Bahala na. Kailangan kang mawala dito. Kinuha ko yung notebook na binigay sa akin ni Mr. Norman.

Sinulat ko doon na biglang nawala ang isa sa mga kaibigan ko na hindi namamalayan ng iba kong mga kaklase. Kailangan mo nang mawala dahil alam ko hindi ka titigil landiin tong boyfriend ko.

Hay~ kailangan kong pumunta muna sa restroom.

Jahz' POV.

Balik klase na kami. May new lesson nanaman siguro kami ngayon. Parati naman eh. Bago pa mag-umpisa ang klase namin chineck ko muna ang mga kaklase ko kung present silang lahat. Kompleto ang mga lalaki. Ang mga babae naman... teka nga lang parang may kulang na isa.

Yung isa sa mga kaibigan ni Angel wala pa. Absent ba siya ngayon? Sabay sabay kaming nagulat nung biglang sumigaw yung isa pa sa mga kaibigan ni Angel.

"Guys! Tumingin daw tayo sa bintana!", Huh? A-anong meron sa labas?

Dali-dali kaming sumilip sa bintana. Nanlaki yung mga mata ko nung makita kong yung isa sa mga kaibigan ni Angel na wala nang buhay. A-anong nangyari sa kanya? M-may umatake ba sa kanya?

Angel's POV.

A-anong nangyari sa kaibigan ko? Biglang sumagi sa isipan ko yung sinulat ko sa notebook kanina. N-nagkatotoo din yun? A-ano tong nagawa ko? Hindi ko naman sinulat na mamatay siya. Sinulat ko lang na mawala siya. Yun lang.

Napahinto ako sa pag-iisip nung lumapit sa akin ang imaginary boyfriend ko. N-natatakot ako sa kanya.

"Tinupad ko yung sinulat mo sa notebook kanina. Hindi ka na ulit maiinis pa kasi wala na siya. Magsasama na tayo habang buhay.", Nanlaki bigla yung mga mata ko nang dahil sa sinabi niya.

S-siya ang pumatay sa kanya? H-hindi ko akalaing magagawa niya yung bagay na yun. Sinulat ko lang naman sa notebook na... sinusunod niya ang lahat ng mga sinasabi at pinag-uutos ko. Natahimik ako nang matagal. A-ako ang may kasalanan dito. Anong nagawa ko?

Pagkatapos ng klase mag-isa akong pumunta sa canteen ng school. Hindi ako pwedeng makita ng imaginary boyfriend ko. H-hindi siya ang ideal type ko. Hindi ako magmamahal ng mamamatay tao. Hindi. Agad kong sinulat sa notebook na hindi na niya ako mahal.

Yan. Siguro naman babalik na ang lahat kagaya nang dati pero hindi pa rin maaalis sa akin ang sisihin ang sarili ko sa pagkamatay ng isa sa mga kaibigan ko.

Habang seryoso akong naglalakad pabalik sa classroom. Sinalubong ako ng isa sa mga kaklase kong babae. May kailangan ba siya?

"Angel. Kanina ka pa namin hinahanap. Si Yibo... kailangan ka niya.", Huh? Anong nangyari sa kanya?

Hinatak ako ng sumalubong sa akin papunta sa rooftop. Ano naman ang ginagawa ng imaginary boyfriend ko dito? Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko na parang magpapakamatay na yung imaginary boyfriend ko. Ano na ba ang nangyayari dito?!

"Yibo! Yibo! Andito na akon Wag kang tatalon jan, andito na ako! Halikana... sumama ka na sa akin!", Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

"Angel. S-sabi mo hindi na kita mamahalin pa kaya mas mabuti pang mawala na lang ako dito kaysa mangyari ang bagay na yun.", Ano ba 'to?!

"Yibo! Wag mong sasabihin yan! Halikana dito!", Hindi talaga siya nakikinig.

Alam ko na ang gagawin ko. Agad akong lumayo sa mga taong nasa paligid ko. Kinuha ko ang notebook at sinulat ko doon na muli na akong minahal ni Yibo at magsasama na kmi habang buhay. Sana gumana...

Class 2 - 3 | Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon