Just Dance

98 1 0
                                    

Jahz' POV.

Aaminin ko kinakabahan ako sa ginagawa namin ni Izza ngayon. Kapag nahuli kasi kaming dalawa pwede kaming masuspendido o kaya mapaalis sa school na 'to. Ayaw ko namang mangyari kay Izza yun. Pinilit ko lang siya para tulungan ako eh.

Kaya hindi ko hahayaang mapahamak siya nang dahil lang sa akin.

Seryoso kaming naghahanap ni Izza ng mga bagay na hindi pangkaraniwan. Kailangan kong makahanap ng ebidensya na tama yung hinala ko kay Mr. Norman na hindi siya mabait na tao. Pagkatapos kong tingnan yung mga cabinet sa loob.

Yung sunod naman yung mga papeles na nakalagay sa ibabaw ng lamesa ni Mr. Norman. Bigla akong napahinto sa paghahanap nung may mapansin akong isang bagay. Nakasulat sa folder Contract. A-ano naman yung meron dito?

"Izza. Halika tingnan natin 'to.", Agad siyang lumapit sa akin.

Dahan-dahan kong binuksan yung folder. Nanlaki yung mga mata ko nung makakita ako ng tatlong mga hindi pangkaraniwang kontrata. N-nakasulat doon yung mga pangalan nila Nin, Ruby, at Leah.

"Nakapirma yung pangalan nila Nin, Ruby, at Leah dito.", Bakit naman sila pumirma dito?

"Jahz. Tingnan mo oh. Dugo yung tinta sa mga pangalan na 'to.", Kaya nga. Kailangan na kailangan ko na talagang embistigahan si Mr. Norman. May hindi na tamang nangyayari dito.

Sabay kaming nabigla ni Izza nung marinig namin yung boses ni Mr. Norman sa labas. A-anjan na siya. A-ano na yung gagawin naming dalawa ni Izza ngayon?

Pagbukas ni Mr. Norman ng pinto agad kong hinatak yung kanang kamay ni Izza at nagtago kami sa ilalim ng lamesa ni Mr. Norman. Sana hindi niya kami mapansin. Kinakabahan na ako. Siguro pati si Izza kinakabahan na din. Sana. Sana hindi kami napansin ni Mr. Norman.

Biglang nawala yung kaba naming dalawa nung niyaya si Mr. Norman ng teacher nmin sa P.E na lumabas ulit. Woo... nakaligtas kami ngayon. Buti na lang. Nung napansin naming lumabas na si Mr. Norman. Dahan-dahan na kaming tumayo ni Izza.

Sabay kaming tumingin sa isa't isa.

"Jahz. Hindi na natin 'to uulitin ah.", Sabi ni Izza.

Hindi ko maipapangako yan. Kailangan kong bumalik dito. May gusto pa akong malaman. Madami pang katanungang gumugulo sa utak ko. Pagkatapos sabay na kaming lumabas ni Izza nang pasekreto sa counseling room.

Faye's POV.

Tapos na yung lunch break ng mga teachers. Siguro naman nasa counseling room na si Mr. Norman. Agad akong lumabas sa classroom at dumiretso agad ako sa counselling room. Kumatok muna ako bago ako pumasok sa loob.

Pagpasok ko sa loob agad akong sinalubong ni Mr. Norman.

"Faye. Bat ka nandidito?", Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Gusto ko lang po sana kayo makausap.". Nginitian ako ni Mr. Norman. Pagkatapos umupo kami sa upuan na magkaharap sa isa't isa.

"So Faye ano na yung gusto mong pag-usapan nating dalawa?", Eto na.

"Tungkol po sana sa gamot na pinainom niyo sa akin.", Nakita ko na biglang napangiti si Mr. Norman nang dahil sa sinabi ko.

"Gusto mo bang humingi?", P-paano niya nalaman?

"K-kung pwede lang po sana.", Kinuha ni Mr. Norman yung isang box ng gamot. Ibibigay niya sa akin yan lahat?

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now