Unfamous

78 2 0
                                    

Cris' POV.

Habang naglalakad ako pabalik sa classroom. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Kasi nakikita ko lahat ng madaanan kong mga estudyante nakangiting tumitingin sa akin nang matagal. N-nabibighani ba sila sa kagandahan ko?

Hay~ mamaya ko na nga aalamin yung sagot doon. Kailangan ko nang balikan yung kaibigan ko sa classroom. Pagpasok na pagpasok ko sa classroom. Napansin ko yung upuan ko na may mga nakalagay na mga flowers. Kanino naman galing yung mga yan?

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa upuan ko tapos inamoy ko yung mga bulaklak na nakapatong lang sa upuan ko. Sa totoo lang, ang babango ng mga 'to. Sino naman kaya yung nagbigay ng mga 'to? Napalingon ako sa likod ko nung may humawak sa balikat ko.

Si Bestfriend lang pala.

"Andito ka na pala. Sorry ha, hindi ko na sila napigilang maglagay ng mga flowers jan sa upuan mo. Sorry talaga, Friend.", Nginitian ko yung kaibigan ko.

"Tsk wala yun. Bumango nga yung paligid ng upuan ko dahil sa mga flowers na 'to. Sino bang nagbigay nito?", Gusto ko lang malaman.

"Hay naku~ Cris. Napakadaming nagbigay nyan. Iba-ibang mga lalaki. Hindi ko nga matandaan yung mukha ng iba eh. Mga manliligaw mo.", A-ang dami naman.

"Pero Friend napansin ko lang. Mas gumanda ka ulit ngayon.", Napangiti naman ako doon.

"Talaga? Mas gumanda ako ngayon?", Nginitian niya ako.

"Oo, Friend. Promise totoo yung sinasabi ko. Ikaw na talaga ang pinakamagandang estudyante dito sa campus.", Aww... ang sweet naman ng kaibigan ko.

"Halika. Samahan mo muna ako sa canteen. Nagugutom ako ngayon eh.", Gutom na gutom na talaga ako eh.

Nakangiti kaming naglakad palabas ng classroom para pumunta sa canteen. Pagdating namin sa canteen. Nagulat ako nung may sumalubong sa aming isang lalaki. Anong kailangan nito?

"Uhm. Cris, may hinanda na akong upuan para sa inyong dalawa. Eto oh dito na kayo umupo.", Hala ang sweet naman nito.

"S-salamat.", Pagkatapos umupo na kami sa nireserved ng lalaki na upuan para sa amin lang ng kaibigan ko.

Grabe mga nakatingin sa akin yung mga lalaki dito. Wala na ba silang ibang matititigan? Ako lang ba ang babae dito? Ano ba yan?! Hindi ako makakain nang maayos pag ganito.

"Friend. Grabe ang dami nang nagkakagusto sayo ngayon. Iba na talaga ang kasikatan mo. Magkakaroon ka ba ng bagong commercial? Sana yung pinakagwapo naman ng campus yung i-partner sayo para perfect match kayo.", Napangiti ako sa sinabi ng kaibigan ko.

"Wala pa akong schedule ngayon eh pero tingin ko magkakaroon ulit ako ng bagong commercial dito sa school.", Napangiti yung kaibigan ko nang dahil sa sinabi ko.

"Ay hindi na ako makapaghantay na makita kang umarte ulit.", Tsk eto naman.

Jahz' POV.

Naisipan naming pumunta ni Izza sa canteen. Sabi niya nagugutom daw siya gusto niyang kumain kaya sasamahan ko na lang. Sakto naman pagdating namin doon nakita namin si Cris. Halos lahat ng mga lalaki dito nakatingin sa kanya. Grabe na yung kasikatan niya ngayon ha.

Dahan-dahan kaming naglakad ni Izza palapit sa counter habang nakatingin kay Cris. Kinuha niya yung cellphone niya. Eto ata yung sinasabi ni Izza. Ano bang ginagawa niya sa cellphone niya? Nagulat ako nung may humawak bigla sa kanang kamay ko. My goodness!

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now