Friendly People

105 1 0
                                    

Jahz' POV.

Lumabas na kami ni Izza sa stationary para bumalik na sa classroom. Halos sabay yung yapak ng mga paa namin pero nakatitig lang siya sa bagay na binili niya sa school stationery kanina. Napapangiti pa siya habang tinititigan yun. Ano na kaya ang nangyari sa kaibigan ko?

Naalala ko para kay Joie yang ibibigay niya. Siguro pangthankyou lang ni Izza yan dahil binigyan kami ni Joie ng ballpen kanina. Siguro ganun nga. K-kailangan ko munang pumunta sa restroom. Agad akong humarap kay Izza at pinatigil ko siya sa paglalakad.

"Izza. Samahan mo muna ako sa restroom.", Hindi siya tumitingin sa akin. Nakatingin lang siya sa bagay na ibibigay niya kay Joie.

"Izza? Narinig mo ba ang sinabi ko? Uy ok ka lang ba?", Hinawakan ko yung pisngi niya at hinarap ko yung mukha niya sa akin.

"Ok ka lang?", Nakatitig lang siya sa akin. Ano na bang nangyayari dito?

"Ikaw na lang Jahz. Kailangan ko nang ibigay 'to kay Joie. Sige sa susunod na lang kita samahan. Bye una na ako ha.", Hala ngayon lang naging ganun si Izza ah.

Nginitian ko na lang siya tapos agad na siyang tumakbo palayo sa akin. Ngayon lang talaga siya naging ganyan parati naman ako sinasamahan nun kahit saan ako magpunta eh. Ngayon lang niya ako tinanggihan. Ano nanaman ba ang nangyayari?

Baka may hiwaga nanamang nangyayari dito. Kailangan kong mag-imbestiga. Makabalik na nga sa classroom.

Joie's POV.

Seryoso lang akong nakikinig sa tinuturo ng dalawa sa mga kaklase kong mga babae. Seryoso din silang tinuturuan ako. Ngayon lang sila naging ganito sa akin. Dati ako pa ang tumutulong at gumagawa ng mga assignments nila. Ngayon ako naman yung tinutulungan nila.

Parang may pagbabago akong napapansin ngayon. Nanlaki at napahinto ako sa pagsusulat nung maalala ko bigla yung sinulat ko sa papel na binigay sa akin ni Mr. Norman kanina. N-nagkatotoo yung sinulat ko sa papel na yun. P-paanong nangyayari yun?

"Joie. Ok ka lang?", Tanong sa akin nung isa.

"O-Oo ok lang ako.", Bigla namang lumapit sa akin yung isa. Kinuha niya bigla yung eyeglass ko.

"Madumi na yung eyeglass mo. Wait, punasan ko muna.", Agad niyang pinunasan yung eyeglass ko pagkatapos dahan-dahan niyang sinuot ulit sa akin.

"S-Salamat.", Nginitian ko siya.

Nabigla ako nung lumapit bigla sa akin si Izza. Ano naman yung kailangan ni Izza sa akin?

"Joie. Tama ako andito ka.", Hinahanap niya ba ako kanina pa?

"Hindi naman ako palaging lumalabas sa classroom eh.", Nginitian ko siya.

"Oh eto para sayo.", A-ano naman tong binibigay ni Izza?

"Mga ballpen para sayo. Magagamit mo yan habang buhay.", A-ang dami nito.

"Izza. N-nakakahiya naman 'to.", Nginitian niya ako.

"Wala yun. Basta ikaw. Para sayo lang yang mga yan.", Nginitian ko na din siya.

"S-Salamat.", Nagkatotoo nga yung sinulat ko sa papel na binigay ni Mr. Norman.

Jahz' POV.

Pagkatapos kong pumunta nang restroom dumiretso na agad ako papunta sa classroom namin. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Asaan kaya si Izza? Inikot ko nang inikot yung paningin ko sa paligid. Hanggang sa makita ko si Izza.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now