Happiness

293 7 0
                                    

Nin's POV.

Kinakabahan na ako ngayon. Kinakabahan akong malaman kung ano bang tulong yung gagawin ni Mr. Norman para sa akin. Sa totoo lang, nanlalamig na ako ngayon. Biglang tumayo yung mga balahibo ko nung may binigay na papel at ballpen si Mr. Norman sa akin . A-anong gagawin ko dito?

"Sa papel na yan. Nakasulat yung mga pangalan ng mga kaklase mo. All you need to do is... draw a line. Line nacoconnect sayo at sa kaklase mo. Go... try it.", Parang... magcoconnect the dots ako?

Dahan-dahan kong hinawakan yung ballpen. Tapos tinititigan ko nang matagal muna yung papel. Tumingin ako kay Mr. Norman.

"A-anong mangyayari kung naconnect ko na sila?", Ngumiti nanaman si Mr. Norman.

"Pag naconnect mo na yung isa sa mga kaklase mo sayo. Hindi ka na magiging invisible sa mga mata niya. Araw-araw ka na niyang kakausapin. For short, she or he will be your friend... forever.", M-magiging kaibigan ko habang buhay?

Tinititigan ko ulit yung papel. Tiningnan ko yung pangalan ng dalawang kaibigan ni Lanie. S-siguro kung m-magiging kaibigan ko sila baka magawa na akong patawarin ni Lanie.

Dahan-dahan akong nagdrawing ng linya na komukonekta sa dalawang kaibigan ni Lanie. Pagkatapos tumingin na ulit ako kay Mr. Norman. Pagtingin ko sa kanya nginitian niya ulit ako.

"Good. You may go now.", Sana totoo yung sinasabi ni Mr. Norman tungkol doon sa papel.

Bumalik na ako sa classroom. Pagbalik ko doon agad akong umupo sa upuan ko pero nagulat ako nung lumapit sa akin yung isa sa dalawang kaibigan ni Lanie. Totoo ba to?

"Nin, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh.", H-hinahanap mo ako?

"Pwede mo ba akong tulungan sa assignment natin sa English? Alam ko kasing ikaw yung pinakamagaling dito sa English eh. Please pwede mo ba akong tulungan?", S-seryoso ba siya?

"B-baka magalit sayo si Lanie kapag nakita ka niyang kinakausap mo ako.", Nginitian niya ako.

"Wag kang mag-alala akong bahala sa kanya. Tsaka gusto kong magsorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Friends na tayo ha?", F-friends?

Napatigil siya nung lumapit din sa akin yung isa pang kaibigan ni Lanie. Totoo ang sinasabi ni Mr. Norman. Hindi siya nagsisinungaling sa akin.

"Nin, anong ginagawa sayo ng babaeng yan ha?". Tumingin ako sa kanya.

"Nagpapatulong lang naman ako kay Nin. Hindi ko masyadong maintindihan yung assignment natin sa English eh.", Nginitian nila akong dalawa.

M-may kaibigan na ako. Nginitian ko din sila. Pero biglang nawala yung ngiti sa mukha ko nung dumating na si Lanie.

"Guys anong ibig sabihin nito?!", Tumingin silang dalawa kay Lanie.

"Lanie, tama na hindi ko na kaya pang bullihin si Nin. Makipag-ayos ka na din sa kanya.", Tinarayan ako ni Lanie.

"Maging mabait na tayo sa kanya, Lanie.", Agad na lumapit si Lanie sa mga kaibigan niya.

"Kahit kailan hinding-hindi ko magagawang makipagbati sa babaeng yan. Hindi niyo alam yung tunay na ugali nyan! Hali na kayo sumama na kayo sa akin.", Hinawakan nilang dalawa yung magkabilang braso ko.

"Walang kasama si Nin kapag iniwanan namin siya dito.", Napangiti ako sa sinabi ng isa sa mga kaibigan ni Lanie.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now