I Can't Fight Anymore

135 1 0
                                    

Ruby's POV.

Dahan-dahan kong dinilat yung mga mata ko. Pagdilat ko nakita ko yung mga bago kong kaibigan na nsa paligid ko. Binabantayan nila ako. Tsk ako na talaga yung bago nilang boss. Laos na si Edna. Wala siyang binatbat sa akin. Mas malakas ako sa kanya.

Wala siyang kwenta. Kayang-kaya ko siyang talunin. Dahan-dahan akong tumayo. Wait anong oras na ba? Tiningnan ko yung orasan. 11:05, 11:05 ba ngayon? Parang nagsimula ako matulog nung 11:05 sa counseling room tapos paggising ko ganyan pa rin yung oras.

Tsk bahala na nga. Oras lang yan. Tsaka marami pa akong gustong gawin ngayon bilang isang bagong boss ng lahat. Nakangiti akong lumabas sa classroom kasama yung mga bago kong kaibigan. Habang naglalakad kami sa corridor feeling ko ako na talaga yung boss.

Walang estudyanteng tumitingin sa akin baka dahil natatakot na sila sa akin. Tsk mga matatakutin. Yari sa akin yung taong malalaman kong kinakalaban ako. Malalagot ka sa akin. Hahahahah! *evil laugh*

Seryoso akong naglalakad nang may bumangga sa akin. Agad na tinulak ng isa sa mga bago kong kaibigan yung taong nakabangga sa akin. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Jahz. S-si Jahz yung nakabangga sa akin. Nung susugurin na siya ng mga kaibigan ko.

Agad ko silang pinigilan.

"Wag! Wag niyo siyang saktan!", Sabay sabay silang tumingin sa akin.

"Pero binangga ka niya.", Tumingin ako kay Jahz.

"Hindi niya yun sinasadya.", Takot na takot na tumingin si Jahz sa mga bago kong kaibigan.

"Sorry pero kailangan naming gampanan yung pagiging bodyguard namin sayo. Lahat ng mga babangga sayo tuturuan namin ng leksyon.", Ano?! Makinig kayo sa akin.

Susugurin ulit nanaman sana nila si Jahz pero pumagitna ako sa kanilang lahat.

"Sabing wag! Jahz! Umalis ka na dito!", Dali-daling tumayo at tumakbo palayo sa amin si Jahz.

Pero nagulat ako nung sabay sabay tumakbo yung mga bago kong kaibigan para habulin si Jahz. Wag! Ang bobobo naman. Hindi alam yung ibig sabihin ng Wag. A-anong pwede kong gawin ngayon? Ah alam ko na.

Hinatak ko yung isang estudyanteng lalaki na nasa gilid ko. Ipapain na lang kita para hindi nila habulin si Jahz.

"Hoy! Mga bo-- May nakabangga sa akin oh. Eto siya! Turuan niyo ng leksyon!", Sabay sabay silang tumakbo palapit sa akin.

Tapos nagulat ako nung hinatak nila yung lalaking pinain ko para lang iligtas si Jahz. Nabigla na ako sa mga sumunod na pangyayari. Pinagsusuntok nila yung lalaki tapos pinagsisipa pa nila. Mga mamamatay tayo ba tong mga kaibigan ni Edna?

Grabe halos duguan na yung mukha nung lalaki. G-ganito rin ba yung ginawa nila sa lalaking nasagi ko? Hala b-bat nakakaramdam ako ng pagkaawa ngayon? A-ano ba tong nangyayari sa akin? Mali ba tong pinasukan ko? Hay~

Habang parang pinapatay na nila yung lalaki. Tahimik na akong naglakad palayo sa mga bago kong kaibigan. Kaibigan ko nga ba sila? P-parang hindi sila magandang maging kaibigan. N-nagsisisi na ba ako sa mga nakikita kong nangyayari ngayon? Ano ba to? Naguguluhan na ako.

Pumunta ako sa rooftop kasama yung mga bago kong kaibigan. Seryoso lang akong nakatingala at pinapakiramdaman yung simoy ng hangin nang may biglang tumawag sa akin kaya napalingon ako sa likod ko.

"Ruby.", Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko yung hawak-hawak ng isa sa mga bago kong kaibigan.

K-kanino yang mga wallet na yan? A-anong gagawin ko jan? Nakangiti siyang lumapit sa akin. Tapos bigla niyang binigay sa akin yung mga wallet. A-anong gagawin ko dito? Paki-explain mo nga to!

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now