New Class President

100 1 0
                                    

Jahz' POV.

Matagal kaming nagkatitigan ni Mr. Norman. N-nakakapang-asar yung mga titig niya sa akin. Nakangiti ba naman habang nakatitig sa mga mata ko. P-parang nababasa niya ang lahat ng mga iniisip ko.

"Ano Jahz, gusto mo ba talagang makita yung iba mong mga kaklaseng babae?", Matagal ko na silang gustong makita.

"Asaan po ba talaga sila?", Ngumiti nanaman siya.

"Nasa loob sila ng isang salamin... salamin na pagmamay-ari ko.", S-salamin?

"B-bakit niyo 'to ginagawa?", Gusto kong malaman kung bakit.

"Jahz. Ikaw mismo ang makakasagot sa tanong mong yan. Hindi ako.", H-hindi ko nanaman siya maintindihan.

"Pwes. Ilabas niyo na po ang mga kaklase ko.", Tumayo ako. Tumingin lang siya sa akin.

"Ililigtas mo sila... nang ikaw lang mag-isa?", Unti-unti nanaman siyang ngumiti tapos dahan-dahan ulit akong umupo.

"Hindi mo sila kayang iligtas, Jahz. Hindi mo kaya nang nag-iisa. Magagawa mo ang isang bagay kung sasamahan at tutulungan ka ng kaibigan mong si Izza. Sa maikling salita, parati kang nakaasa sa kanya... tama ba ako?", Nang-iinis ka ba?

"Ano po yang pinagsasabi niyo? Ang gusto ko lang po ay yung malaman kung ano na ang kalagayan ng iba kong mga kaklase. Bilang class president, trabaho kong alamin yun. Trabaho kong alamin kung ligtas ba sila.", Bigla siyang tumawa.

"Jahz. Wag kang magpakatapang. Hindi ikaw yan. Ipakita mo sa akin yung totoong ikaw. Yung Jahz na seryoso at yung prati lng umaasa sa kaibigan niyang si Izza.", Naiinis na ako.

"Bat hindi niyo na lang po diretsyohin? Ano po ba ang gusto niyong ipamukha sa akin?", Hay~ ngumiti nanaman siya.

"Gusto ko lang ipamukha sayo. Hindi mo kayang iligtas ang iba mong mga kaklase nang nag-iisa ka lang.", K-kaya ko...

"Kaya ko!", Hindi ko na natiis yung sobrang pagkainis ko.

"Edi patunayan mo.", May inabot siyang isang orasahan sa akin.

"Kapag tumapat tong dalawang linya sa 12. Ibig sabihin nun, hindi mo talaga kayang iligtas ang iba mong mga kaklase. Sa maikling salita, hindi ka nagtagumpay para iligtas sila.", Ganito ba ang ginagawa niya sa iba kong mga kaklase?

"Habang nililigtas ko sila po... masisigurado ko po bang wala kang gagawin sa kaibigan kong si Izza?", Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Maliban na lang kung hindi ka nagtagumpay sa pagliligtas mo.", Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Mr. Norman.

"Please! Wag niyo na pong idamay si Izza. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko sa inyo na kaya ko... kaya kong iligtas ang iba kong mga kaklase nang nag-iisa lang ako. Basta habang ginagawa ko po yun wag niyong sasaktan ang kaibigan ko. Not my bestfriend... please. Wag siya.", May nilapag siyang isang papel sa harap ko.

"Nakasalalay sayo ang buhay ng mga iba mong kaklase at ang buhay ng matalik mong kaibigan. Ang maipapayo ko lang sayo... patunayan mo talaga na kaya mong kumilos nang mag-isa.", Sisiguraduhin kong hindi mapapahamak si Izza.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now