Happy Day

71 1 0
                                    

Mika's POV.

Paglabas ko sa counseling room agad akong dumiretso pabalik sa classroom. Pagdating ko doon nagulat na lang ako nung lapitan ako ng mga kaklase kong mga babae. Anong kailangan nila sa akin? Wait ikaw yung nangaway sa akin kanina ah.

"Mika. Patawarin mo ako sa mga sinabi ko sayo kanina ha. Promise magbabago na ako. Friends na tayo ha. Halika magsasabi na lang kami ng mga jokes sayo para mapatawa ka namin.", Sabi niya.

Huh? Anong nangyayari sa mga kaklase ko? Agad nila akong hinatak papasok sa loob ng classroom namin tapos pagpasok namin pinaupo agad nila ako sa upuan ko. Umupo naman sila sa paligid ko tapos nag-umpisa na silang magsabi ng mga jokes.

Mas corny pa ata sila sa akin. Hahahah! Hindi ko mapigilang hindi tumawa sa mga sinasabi nilang mga jokes. Grabe ang co-corny talaga nila. Hindi lang pala ako yung corny sa loob ng classroom namin. Madami pa pala kami.

Jahz' POV.

Nakapunta na si Mika sa counseling room. Kailangan naming icheck ni Izza kung may pagbabagong nagaganap nanaman kaya dali-dali kaming naglakad pabalik sa classroom namin. Pagdating namin sa classroom sabay kaming nagulat nung makita naming kausap ni Mika ang lahat naming kaklaseng mga babae.

Huh? Kausap din niya yung umaway sa kanya kanina. Ano friends na ba agad sila? Ang bilis naman nila nagkaayos. Pagtingin ko sa gilid ko nagtaka ako nung mapansin kong wala si Izza. Saan naman yun pumunta?

Inikot ko nang inikot yung paningin ko sa paligid hanggang sa makita ko na si Izza. Tsk nauna na palang pumasok sa loob ng classroom namin. Seryoso siyang pinapakinggan yung pinagkwekwentuhan nila Mika at ang mga kaklase kong mga babae.

Pagtingin ko kay Izza bigla naman siyang tumingin sa akin at sinisenyasan niya ako na pumasok na ako sa loob ng classroom kaya agad ko siyang sinunod. Agad akong pumasok sa loob at lumapit sa kanya.

"Anong meron dito?", Pabulong kong tanong kay Izza.

"Nagsasabihan sila ng mga corny jokes.", Huh?

"Y-yun lang yung nagaganap dito?", Sabay kaming tumingin sa isa't isa.

Napaiwas kami ng tingin sa isa't isa nung biglang tinawag si Izza ng isa sa mga kaklase kong babae.

"Izza. Alam naming maloko ka. Halika ikaw naman yung magsabi ng mga jokes. Teka lang Jahz ha hihiramin lang namin yung kaibigan mo.", Agad na napatingin sa akin si Izza ulit tapos mahigpit niyang hinawakan yung kaliwang wrist ko.

"Jahz. A-anong gagawin ko?", Pabulong niyang tanong sa akin.

"Wag kang mag-alala tutulungan kita.", Agad akong humarap sa kanila Mika.

"Hmm. Pasensya na kayo wala sa mood si Izza ngayon. Masakit yung ulo niya kailangan niya munang magpahinga. Sorry guys.", Nung maglalakad na ako palapit kay Izza.

Nagulat ako nung biglang hinawakan ni Mika yung kanang braso ko. Anong problema nito?

"Edi ikaw na lang ang magsabi ng kahit isang jokes. Please hindi ka pa namin naririnig magsabi ng kahit isang jokes eh. Napakaseryoso mo kasi. Please kahit ngayon lang.", Nanlalaki yung mga mata ko nung tumingin ako kay Izza.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Dahan-dahan ulit akong humarap sa kanila Mika. Ano na ang gagawin ko? Ano ba 'to?!

"Hmm. Naknak.", Hay~ ano ba tong ginagawa ko?

"Who's there?!", Sabay sabay nilang sinabi.

"Yemen...", Nakakahiya na.

"Yemen who?!", Ok. Wala na akong lusot ngayon.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now