Friendly

96 1 0
                                    

{Yung kaluluwa naman ni Faye ang nakulong ngayon sa loob ng salamin na pagmamay-ari ni Mr. Norman. Kagaya ng dati nawala nanaman sa memorya ng mga estudyante sa Class 2 - 3 ang tungkol kay Faye pero maliban lang sa isa dahil hindi na nawawala pa sa ala-ala ni Jahz ang lahat ng mga pangyayaring naganap sa iba niyang mga kaklase. Siya ba ang magliligtas sa mga kaklase niyang nawawala?}

Jahz' POV.

Ano na bang nangyayari? Nawala nanaman yung ala-ala ng mga kaklase ko tungkol kay Faye. Halos lahat sila hindi na naaalala si Faye. Halos lahat ng estudyante dito sa school. Kailangan ko nang mag-imbestiga. Hindi na kasi tama yung mga nangyayari ngayon.

Napatigil ako sa pag-iisip nung lumapit sa akin si Joie. M-may kailangan ba 'to?

"Hi President!", Nginitian ko siya.

"Hi. May kailangan ka ba Joie?", Pagtanong ko lumapit naman sa akin si Izza.

"Uy andito pala si Joie. Sorry nakakaisturbo ba ako sa inyo?", Sabi niya sa aming dalawa.

"Hindi Izza ok lang. May gusto lang akong ibigay kay President.", Tumingin siya sa akin.

"Ano naman yun Joie?", Ano naman yung gusto niyang ibigay sa akin?

"Eto ballpen. Napag-isip-isip kong bigyan kayong lahat ng ballpen. Takda na rin ng pagkakaibigan nating lahat. Ikaw muna ang inuna kong bigyan kasi ikaw ang Class President.", Nginitian ko si Joie, pagkatapos niyang iabot sa akin yung ballpen na binibigay niya sa akin.

"Aww... salamat dito Joie ha. Sure akong magagamit ko 'to. Maraming salamat talaga ha.", Nginitian din niya ako tapos tumingin naman siya kay Izza.

"Eto Izza para sayo din.", Binigyan din niya si Izza ng ballpen.

"Uy Joie! Maraming maraming salamat dito! Sakto nawala yung ballpen ko kanina. Magagamit ko 'to ngayon. Salamat talaga.", Nakangiting sinabi ni Izza kay Joie tapos tumingin na ulit siya sa akin.

"Sige maiwan ko na kayo. Bibigyan ko pa yung iba nating mga kaklase.", Nginitian ulit namin ang isa't isa tapos agad nang naglakad palayo sa amin ni Izza si Joie.

"Waahh... grabe Jahz napakafriendly talaga ni Joie. Bilid ako sa kanya.", Nakangiti akong tumingin kay Joie habang binibigyan niya ng mga ballpen yung iba kong kaklase.

"Hmm. Friendly talaga siya.", Sabi ko.

Habang tinititigan ko si Joie. Napatingin ako bigla sa pinto ng classroom namin. Nawala yung ngiti sa labi ko nung nakita ko si Mr. Norman sa labas ng pinto ng classroom namin. Nakangiti niyang pinagmamasdan si Joie. B-bakit niya pinagmamasdan si Joie?

Nanlaki yung mga mata ko nung bigla kong naisip na baka si Joie yung susunod niyang biktima. Hindi. Hindi pwede mangyari kay Joie yung nangyari sa iba kong mga kaklase. Kailangan kong maunahan si Mr. Norman.

Joie's POV.

Nakangiti kong binibigyan ng tag-iisang ballpen yung mga kaklase ko. Sign yun ng pagiging palakaibigan ko tsaka mabait naman sila sa akin. Hay~ masaya ako kapag natutulungan ko yung iba kong mga kaklase at pag nakikita ko silang masaya, pag natutulungan ko sila.

Parang gumagaan yung kalooban ko kapag nagagawa ko yun. Para bang nadadagdagan yung lakas sa katawan ko.

Lunch break.

Jahz' POV.

Hinanap ko nang hinanap si Joie sa loob ng canteen. Alam kong andirito lang siya. Lunch break na namin eh. Saan naman siya pwedeng pumunta ngayon? Edi sa canteen lang. Nilibot ko na yung paligid ng canteen. Hanggang sa makita ko na siya.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now