Lost Memory

119 2 0
                                    

Leah's POV.

Kung minsan-minsan natutulala na lang ako bigla. Ewan ko kung bakit pero... natutulala na lang talaga ako bigla. M-may nangyari ba kahapon? W-wala akong maalala. Hindi ko maalala kung ano bang nangyari kahapon. Alam ko lang natapos ko agad yung test kahapon.

Seryoso lang akong nakaupo sa upuan ko nang may biglang lumapit sa akin.

"Bes. Halika samahan mo ako sa canteen. Wala pa naman yung next teacher natin eh.", S-si Joie 'to.

"J-Joie... a-ang matalik kong kaibigan. Joie.", Nagtatakang tumingin sa akin si Joie.

"Uy ok ka lng ba?", Huh?

"U-Uhm...". Hinatak ako bigla ni Joie palabas sa classroom namin. S-saan nga niya ako dadalhin?

Pumunta kami ni Joie sa canteen. A-anong gagawin namin dito? Pinaupo niya ako tapos binigyan niya ako ng isang burger.

"Yan. Kumain ka muna. Wag kang mag-alala libre ko yan.". Nginitian niya ako.

Dahan-dahan kong kinain yung burger na binigay niya sa akin. T-teka nga lang m-may nakalimutan ba ako ngayon? Feeling ko... may nakalimutan ako ngayon. Nagulat ako nung nagsalita si Joie.

"Hoy! Ano ka ba?! Kanina pa ako salita ng salita sa harap mo oh.", K-kanina ka pa ba nagsasalita? H-hindi kita narinig.

"S-sorry...", Hinawakan niya yung ulo ko.

" Sus ok lang. Sige kumain ka muna. Mamaya na ako magsasalita.", Pagkatapos nginitian niya ulit ako.

B-bat nga niya ako nginingitian? H-hindi ko maalala...

Bumalik na kami ni Joie sa classroom. P-para talagang may nakalimutan ako ngayon. H-hindi ko maalala. Pagbalik namin. Dahan-dahan akong naglakad palabas ulit. K-kailangan kong maalala kung ano ba yung nakalimutan kong gawin ngayon.

Jahz' POV.

Lumabas lng ako saglit sa classroom kasi inutusan ako ng teacher namin sa English na kunin yung mga ipapagawa niya sa aming lahat ngayon. Hindi ko na sinama si Izza. Kailangan niyang magpahinga muna kahit saglit lang.

Seryoso akong naglalakad pabalik sa classroom nang biglang may bumangga sa akin. Nabitawan ko yung mga dala ko. Pagtingin ko sa gilid ko. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Leah.

"S-sorry. Hindi ko sinasadyang mabangga ka. I'm sorry.". Pagtingin niya sa akin para bang hindi niya ako kilala.

"Leah. Bat andito ka sa labas?", Binigay niya sa akin yung mga dalahin ko.

"P-paano mo ako nakilala?", Huh? Ok ka lang ba?

"Leah. Ako to si Jahz. Kaklase mo. Ang class president sa Class 2 - 3. Ok ka lang ba?", Parang nabigla si Leah.

"Ay I-I'm sorry. I'm sorry Jahz.", Nagtaka naman ako nung naglakad siya palayo sa akin.

Ok lang ba si Leah? A-ano na kaya yung nangyayari sa kanya?

Kinabukasan.

Leah's POV.

Pagpasok ko sa loob ng school. Bigla akong napahinto dahil h-hindi ko na alam kung nasaan yung classroom ko. A-ano na bang nangyayari sa akin? A-ano ba 'to? Nanlaki yung mga mata ko nung bigla kong maalala na hindi ako nakainom ng tubig kahapon.

Hala! Hindi. Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng mawala yung mga memorya ko. Nagmamadali akong pumunta sa tapat ng counseling room para kumuha ng isang bote ng tubig. Kinakabahan na ako. Kinakabahan na ako baka... magkatotoo yung paalala ni Mr. Norman sa akin na maaaring mawala yung mga memorya ko pag hindi ko nagawang uminom ng tubig na 'to araw-araw.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now