Famous

80 1 0
                                    

Cris' POV.

Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng classroom. Sabay sabay na lumingon at tumingin nang matagal sa akin yung mga kaklase ko. M-may problema ba sa akin? Ay naalala ko na... mas lalo pala akong gumanda ngayon. Napangiti ako nung makita kong nag-unahan yung mga kaklase kong lalaki lumapit sa akin.

Yung isa biglang hinawakan yung dalawang kamay ko. My goodness hindi ako handa dito ha!

"Cris. Pangako ko sayo ako ang pinakamagiging perfect boyfriend mo. Promise hinding-hindi kita iiwanan... at hindi kita sasaktan.", Tsk hindi ako madaling maniwala sa mga pangako ng taong hindi ko naman gaano kilala.

"Sorry. Hindi pa kita kilala nang lubusan.", Pagkatapos naglakad na ako palayo sa kanya.

Umupo ako sa upuan ko. Pag-upo ko umupo sa paligid ko yung mga kaklase kong lalaki. Ano ba 'to? Hindi naman ako sanay dito. Nawala yung pagkahiya ko nung nilapitan ako ng kaibigan ko. Tsk may pagtatampo pa rin ako sa kanya dahil sa sinabi niya kanina.

"Friend. Nagtatampo ka pa rin ba? Sorry na. Promise mag-iingat na ako sa mga salitang bibitawan ko. Promise yun. Wag ka nang magalit sa akin. Please... friends na ulit tayo. Please...", Hay~ bat ba hindi kita kayang matiis?

Dahan-dahan akong lumingon at tumingin sa kanya. Nginitian ko siya. Nakita ko na napangiti din siya tapos bigla niya akong niyakap. Ibig sabihin nagkaayos na kami ng friend ko.

"Promise me, hindi mo na uulitin yun ha?", Nakangiti siyang tumingin ulit sa akin.

"Promise. Hinding-hindi na. Ayaw kong magalit sa akin yung kaibigan ko eh.", Aww... ang sweet naman.

Nabigla ako nung tumunog nanaman yung cellphone ko. May nagtext sa akin pero hindi ko kilala kung sino. Number lang yung nakalagay eh. Agad kong binuksan yung message.

"Nagustuhan mo ba yung app na finorward ko sayo?", - unknown.

Huh? S-siya pala yung nagforward sa akin nung beauty app na ginamit ko kanina. Yung nagpabago at nagpaganda pa lalo sa mukha ko.

"Sino ka? Gusto kitang makilala.", Gustong-gusto.

"Go to the counseling room. Makikilala mo ako.", - unknown.

Counseling room? Eh si Mr. Norman lang yung tao doon eh. Hindi. Kailangan kong malaman kung sino talaga yung nagforward ng app na 'to. M-magpapasalamat ako sa kanya. Natulungan niya ako eh. Agad akong tumayo pero bigla akong hinarangan ng kaibigan ko.

"Friend. Saan ka pupunta?", Sasabihin ko ba sa kanya?

"Ah m-may kailangan lang akong puntahan.", Hinawakan niya bigla yung kanang kamay ko.

"Gusto mo samahan na kita?", Siguro mas mabuting ako na lang mag-isa.

"Hindi na. Salamat na lang. Hintayin mo na lang ako dito. Babalik kaagad ako promise.", Nginitian namin ang isa't isa. Pagkatapos lumabas na ako sa classroom.

Sa counseling room. Ano naman yung ginagawa niya dito? N-nakakapagtaka naman. Siguro kakilala siya ni Mr. Norman. Hmm baka nga. Hay~ makapasok na nga lang dito para malaman ko na ang lahat-lahat ng gusto kong malaman.

Jahz' POV.

Pabalik na kami ni Izza sa classroom pero napansin ko na nagmamadaling lumabas ng classroom si Cris. Saan naman siya pupunta ngayon? Hindi naman 'to lumalabas ng classroom nang mag-isa eh. Kailangan namin siyang sundan.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon