Popular

83 1 0
                                    

Jahz' POV.

Dahan-dahan akong naglakad sa loob ng classroom. B-bat parang walang ginawang kakaiba yung mga kaklase ko? H-hindi man lang sila napagod. Tsk mamaya ko na sila iintindihin. Hahanapin ko muna si Britney. Inikot ko nang inikot yung paningin ko sa paligid.

Pero hindi ko makita-kita si Britney. Lumingon ako kay Izza at nakita ko na hinahanap din niya si Britney. A-asaan na si Britney? H-hindi naman siya lumabas ah kaya alam kong andito lang siya. Wala na siyang iba pang pinuntahan eh.

Sabay kaming naglakad ni Izza papunta sa upuan ni Britney. Nanlaki yung mga mata ko nung makita kong bakante na yun. A-asaan na yung mga gamit niya?

"Izza. Asaan na si Britney? Dito lang naman siya nanggaling diba? Hindi naman siya lumabas kaya andito lang siya.", Tumingin nang seryoso sa akin si Izza.

"Tingin ko... nahuli nanaman tayong dalawa Jahz.", Huh? Hindi...

"Hindi pwede. N-nagawa niyang pahintuin yung mga kaklase natin. Hindi siya pwedeng mawala nang ganun-ganun lang. M-may k-kailangan pa akong itanong sa kanya. M-madami pa... kaya hindi siya pwedeng mawala...", Hinawakan na lang ni Izza yung balikat ko.

Aahh! Hindi ko nanaman naligtas yung isa sa mga kaklase ko. K-kumukunti na yung mga girls sa Class 2 year 3. Ano na ba ang pwede kong gawin? Hindi pwedeng mangyari 'to. Hindi...

Izza's POV.

Naunahan nanaman kami. Hindi namin nagawang iligtas si Britney sa kapahamakan. Siguro ngayon sinisisi nanaman ni Jahz yung sarili niya dahil sa nangyari ngayon. Paglingon ko sa gilid ko nakita ko na naglakad si Jahz papunta sa upuan niya at tahimik siyang umupo doon.

Baka nga sinisisi nanaman niya yung sarili niya. Kailangan ko siyang icomfort. Nung maglalakad na sana ako para lumapit kay Jahz narinig ko na may nagsigawan sa labas ng classroom namin. A-anong nangyayari sa labas?

Agad na nagsipaglabasan yung mga kaklase namin ni Jahz. Kailangan ko din tingnan kung anong nangyayari sa labas pero bago ako lumabas lumingon muna ako kay Jahz. Tingin ko wala siyang mood silipin kung anong meron sa labas. Ikwekwento ko na lang sa kanya.

Pagkatapos agad na rin akong lumabas. Paglabas ko nakita ko si Cris. Tsk siya lang pala yung pinagsisigawan ng mga estudyante dito sa labas. Si Cris yung popular na babae sa school. Siya yung model ng school. Halos lahat ng poster dito sa school siya yung laman.

Kaya imposibleng hindi siya sumikat agad. Tsaka maganda pa siya kaya mas sumikat siya. Hay~ siya lang naman papasok na nga ako sa loob.

Cris' POV.

Grabe pagdaan ko pa lang sa corridor ng school. Pinagkaguluhan na ako. Halos lahat ng mga estudyanteng lalaki parang nahihimatay kapag nginingitian ko. Ganun na ba nila ako kagusto? Pero ngayon ayaw ko munang pumasok sa isang relasyon.

Enjoy life muna bago yun. Bata pa naman ako sa susunod na muna yung mga love love na yan. Madami namang nagkakagusto sa akin dito. Malay natin baka makapili ako sa kanila ng isa. Nabigla ako nung may lumapit sa aking isang babaeng estudyante. M-magpapapicture ba siya?

"Cris. Alam mo fan na fan mo ako. Kapag nagawa mo nang pumasok sa showbiz. Ako ang unang-unang magchecheer sayo. N-napakaganda mo talaga. P-pangako ko sayo Cris, hinding-hindi ako magsasawang suportahan ka.", Napangiti naman ako doon.

"Maraming salamat ha. Akin na yung camera mo, magselfie tayong dalawa.", Pagkatapos naming magpicture. Niyaya na ako ng kaibigan kong pumasok na sa loob ng classroom.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now