I'm The Winner

46 1 0
                                    

Ella's POV.

Nakakatakot naman dito. Grabe seryosong nakatingin si Mr. Norman sa mga mata ko. Nakakatakot grabe. Ano ba kasi yung pag-uusapan namin dito? Hay~ tatanungin ko nga ulit 'to.

"Sir. Ano na po ang pag-uusapan natin dito?", Umupo siya sa upuang nasa harap ko. Magkaharap kami.

"Balita ko nawalan ka daw ng malay kanina dahil natamaan ng bola yung ulo mo. Sayang naman hindi niyo natapos yung laban. Alam kong pangalawa ka sa magagaling magvolleyball dito sa school at ang una naman ay si Sheena.", Ano?! Ako ang pinakamagaling dito!

"Tsk hindi po totoo na pangalawa lang ako sa magagaling magvolleyball dahil kapag natalo ko na po si Sheena. Ako na ang magiging pinakamagaling na volleyball player dito sa school.", Nakita kong ngumiti si Mr. Norman.

"Pero... parati kayong natatalo nila Sheena at yung kanina natalo nanaman kayo.", Natamaan lang ako ng bola sa ulo nawalan lang ako ng malay. Hindi kami natalo!

"Sir. Hindi po kami natalo kanina. Sadyang may nangyari lang na masama kaya pinatigil yung laban pero plano kong ituloy ulit yung laban at sa pagkakataong yun tatalunin ko na si Sheena.", Ngumiti nanaman siya.

"Hmm. Eto band aid, ilagay mo 'to sa wrist mo.", Huh? Wala namang sugat yung wrist ko.

"P-para saan naman po 'to, Sir?", Anong magagawa nito para sa akin?

"Basta ilagay mo na lang jan sa wrist mo.", O-ok.

Dahan-dahan kong nilagay yung isang band aid sa kanang wrist ko. Yan nakalagay na. Ano nang mangyayari ngayon?

"Good. Tandaan mo Ella, hindi yan pangkaraniwang band aid lang. Sige pwede ka nang lumabas.", H-hindi 'to pangkaraniwang band aid. P-paano naman nangyari yun?

Sinunod ko yung huling sinabi ni Mr. Norman. Sabi niya pwede na daw akong lumabas eh. Edi lalabas na ako. Kailangan ko na ulit labanan sina Sheena.

Jahz' POV.

Nagpasama ako kay Izza papunta sa girls restroom. Sakto habang naglalakad kami papunta sa girls restroom. Napadaan kami sa gilid ng counseling room. Napahinto ako sa paglalakad nung makita ko si Ella na kakalabas lang doon.

P-pumasok siya sa loob ng counseling room?

"Izza. Tingin ko mali ka sa sinabi mo sa akin nung araw na nawala si Mika. Hindi pa tapos yung misyon natin. A-ang susunod na biktima ni Mr. Norman ay si... Ella.", Kailangan na namin siyang kausapin agad.

"Huh? K-kung ganun halikana kausapin na natin siya. K-kailangan ngayon tayo na ang mauna.", Hinawakan ko yung kanang kamay ni Izza.

"Hmm. Halikana!", Hindi na kmi pwedeng maunahan ulit.

Ella's POV.

Hinanap ko nang hinanap sina Sheena kung saan-saan na nga ako nakapunta eh. Wala sila sa garden, sa ground, sa library, sa classroom nila, at sa rooftop. Asaan na ba yung mga babaeng yun? Ay sa gym hindi pa ako pumupunta baka andun sila.

Agad akong naglakad nang mabilis para pumunta sa gym. Pagdating ko doon napangiti ako nung makita ko sila Sheena. Sakto n-nagprapractice sila. Tsk tatalunin kita nang mag-isa lang. Pumasok ako sa loob nang mag-isa.

"Hoy Sheena!", Napatingin sa akin si Sheena at ang mga teammates.

"Uy Ella ano kamusta na yung pakiramdam mo? Natanggap mo na ba yung pagkatalo niyo?", Grr iniinis mo pa talaga ako ha!

Class 2 - 3 | Tagalog StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora