The Class President

109 1 0
                                    

{Sa pangyayaring yun kay Ella, bigla na lang siyang naglaho. Kagaya ng nangyari sa iba niyang kaklaseng mga babae na nabiktima ni Mr. Norman. Walang kaalam-alam sina Jahz at Izza sa nangyari kay Ella. May bibiktimahin nanaman ba si Mr. Norman?}

Jahz' POV.

Nangangawit na yung likod ko sa maghapong pag-upo. Wala ba talagang tutulong sa amin dito? Halos kanina pa kaming tanghali dito. Hapon na nga ngayon eh. Hay~ ano ba tong nangyayari? Kamusta na kaya si Ella ngayon?

Napatigil ako sa pag-iisip nung bigla akong tawagin ni Izza.

"Jahz tingnan mo 'to.", Pinakita niya sa akin yung picture na nakita ko kanina.

Nanlaki yung mga mata ko nung may nakalagay na, na ekis sa mukha ni Ella. K-kanina lang wala yan ah. A-ang ibig sabihin ba nito... n-naunahan nanaman kami? W-wala na si Ella.

"Ang ibig sabihin ba nyan... wala na si Ella? Naunahan nanaman tayo. Ano na ba ang pwede nating gawin?", Agad akong tumayo at pinagsisipa ko yung pinto.

"Jahz!", Lumapit sa akin si Izza.

"Palabasin niyo kami dito! Ano ba?!", Pinigilan ako bigla ni Izza.

"Jahz. Tama na. Tama na yan. T-tanggapin na lang natin. Tanggapin na lang natin na... hindi nanaman tayo nagwagi para iligtas si Ella.", Dahan-dahan akong tumingin kay Izza.

Pagtingin ko sa kanya unti-unti akong tumingin doon sa picture. Nakita ko na kami na lang ni Izza yung wala pang ekis sa mukha. Ang ibig sabihin ba nito... isa sa amin ni Izza ang susunod niyang bibiktimahin?

Sabay kaming nagulat ni Izza nung biglang bumukas yung pinto. Buti naman nagbukas ka na.

"Jahz! Pwede na tayong makalabas!", Hinatak ako ni Izza palabas sa computer room.

Paglabas namin inikot ko nang inikot yung paningin ko sa paligid. Isa sa amin ni Izza ang susunod na biktima ni Mr. Norman. Hindi ko hahayaang mabiktima niya si Izza. Tatapusin ko na tong mga hiwagang nangyayari sa Class 2 year 3.

Nabigla ako nung may marinig ako isang nakakangilong tunog. Aray ko! a-ang sakit sa tenga! Agad kong tinakpan yung dalawang tenga ko at napaluhod ako. Nilapitan naman agad ako ni Izza.

"Jahz. A-anong nangyayari sayo? Ok ka lang ba?". Ano tong naririnig ko?

Nung mapansin kong nawala na yung nakakangilong tunog. Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko. Nanlaki yung mga mata ko nung makakita ako ng isang salamin tapos nakita ko yung reflection ko. Natakot ako nung bigla siyang magsalita mag-isa.

"Malapit na akong makalabas dito... malapit na, Jahz.", Malapit na siyang makalabas sa salamin na yan?

Huh? H-hindi ko siya maintindihan. Nagulat ako nung tinawag ako bigla ni Izza. Napalingon ako sa kanya.

"Jahz. Tinatanong kita ok ka lang ba?", S-sorry h-hindi kita narinig.

"O-Oo. O-ok lang ako pero may napansin akong kakaiba dito. M-may sala--", Pagtingin ko sa gilid ko. Nanlaki yung mga mata ko nung nawala na yung salamin.

A-asaan na yung salamin? Ano bang nangyayari sa akin? Ok lang ba talaga ako? B-baka namamalik-mata lang ako. Guni-guni lang ata yun.

"Halikana. Tingin ko kailangan mo lang kumain at magpahinga... halikana.", Hinawakan ni Izza yung kanang kamay ko.

Tinulungan niya akong tumayo at naglakad na kami papunta sa canteen. Pagdating namin ni Izza sa canteen pinaupo niya ako sa isang upuan doon.

"Dito ka lang muna. Ako na ang bahalang bumili ng pagkain pero pangako mo sa akin sa susunod ikaw naman yung manglilibre ha.", Nginitian ko siya.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now