Noisy Surroundings

91 1 0
                                    

Izza's POV.

Tapos na akong magbasa. Ang ginagawa ko na lang ngayon ay ang bantayan si Jahz habang nagpapahinga siya pero naisipan kong tingnan yung mga pictures na kinunan ko. Mga pictures na kasali pa sina Nin, Ruby, Leah, Faye, at Joie.

Ang tinititigan ko nang matagal ay ang picture ni Nin na may kausap siyang isang lalaki. Teka nga lang p-parang pamilyar tong lalaki na 'to sa mga mata ko ah. Nanlaki ako nung maisip ko na si Mr. Norman yung kausap ni Nin nung mga araw na kinuhaan ko siya ng litrato.

Siya siguro ang unang naging biktima ni Mr. Norman. Napatigil ako sa ginagawa ko nung mapansin kong unti-unti nang gumigising si Jahz. Agad akong tumingin sa kanya.

"Kamusta yung pagpapahinga mo?", Tumingin siya sa akin.

"Hmm. O-ok na ang pakiramdam ko. Salamat ha sinamahan mo ako dito.", Nginitian ko siya.

" Palagi na kitang sasamahan. Hindi na ako lalayo sa tabi mo, promise yan.", Napangiti si Jahz nang dahil sa sinabi ko.

"Halikana bumalik na tayo sa classroom.", Sabay kaming tumayo ni Jahz at naglakad na kaming dalawa palabas ng library.

Nung malapit na kami sa classroom nmin. Sabay kaming napahinto sa paglalakad. B-bat parang ang ingay sa loob? A-ano kayang nangyayari sa loob?

"Yung ingay... doon nanggagaling sa classroom natin.", Napatingin kami ni Jahz sa isa't isa.

"Hmm. A-ano naman kaya ang dahilan kung bakit sila nag-iingay lahat?", Matingnan nga.

"Halika pumasok na tayo sa loob para malaman na din natin kung bakit sila nag-iingay.", Sabay na kaming naglakad ni Jahz papasok sa classroom.

Pagpasok naming dalawa agad kong tinakpan yung tenga ko gamit ang mga kamay ko. Tae! Ang ingay dito! Hindi ko kayang tumagal dito. Ang ingay! Baka mabingi ako dito. Kailangan na naming lumabas ni Jahz. Tumingin ako kay Jahz. Nakita ko na tinakpan din niya yung tenga niya.

"Jahz! Ang ingay dito! Lumabas na muna tayo!", Parang hindi narinig ni Jahz yung sinabi ko.

"Ano?! Hindi kita marinig!", Sabi na nga eh.

"Sabi ko ang ingay dito sa loob! Lumabas muna tayo!", Ano narinig mo na ba?

"Hindi talaga kita marinig!", Hay naku.

Hinatak ko si Jahz palabas ng classroom baka naman dito maririnig mo na ako. Humarap kami sa isa't isa.

"Ano yung sinasabi mo kanina?", Tanong ni Jahz.

"Sabi ko ang ingay sa loob. Dito muna tayo sa labas. Baka mabingi pa tayo kapag nagtagal tayo sa loob.", Napakaingay talaga sa loob eh.

Jahz' POV.

Tama si Izza. Mas mabuting dito muna kami sa labas. Napakaingay sa loob, hindi ko kayang magtagal sa loob. Inikot ko nang inikot yung paningin ko sa paligid. Nagtaka ako dahil may mga nakikita akong dumadaan na mga teachers malapit sa classroom namin.

H-hindi ba nila naririnig yung ingay sa loob? Kung narinig nila dapat kanina pa nila sinita yung mga kaklase ko pero bat ganun?

"Izza. Pagmasdan mo yung mga teachers na dumadaan. P-parang wala silang naririnig na ingay.", Sinunod ni Izza yung sinabi ko. Pinagmasdan niya yung mga teachers na dumadaan malapit sa classroom namin.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryМесто, где живут истории. Откройте их для себя