Prologue

227K 5.7K 443
                                    

•Prologue•

Malalim ang gabi ngunit maingay ang paligid.

Dumadagundong ang kalangitan,

Mga kidlat na nagkikislap na animoy galit sa mundo.

Hamahagolgol sa pag-iyak ang isang batang hindi alam kung saang lupalop siya ng mundo naroroon. Nakaupo siya sa gitna ng daan sa lugar kung saan walang halos dumadaan.

Tumingala siya sa kalangitan habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha sakanyang mga mata. Dahan dahan siyang tumayo noong may pumatak na isang butil ng tubig sa kanyang pisngi na sinundan na rin ng marami pang patak.

Tumakbo siya at sumilong sa isang malaking puno noong bumuhos ang malakas na ulan. Mas lalo pa siyang naiyak dahil sa takot ng muling umogong ang napakalakas na kulog.

"Ma... Pa...."

Katagang kanina pa niya inuulit-ulit pero ni isa walang sumasagot sakanya.

Hinatak niya pataas ang suot niyang mahabang bistida at muli na namang naglakad. Kinuha niya ang koronang suot suot niya at binitbit.

Naglakad siyang muli at tinawag nanaman ang kanyang mga magulang.

"Who are you?"

Tanong niya sa taong biglang lumitaw sakanyang harapan. Nakasuot ito ng balabal kaya hindi kita ang kanyang mukha. Lumuhod siya sa harapan ng bata.

"P-please f-forgive me from w-what I h-have d-done to you.."

Katagang kanyang binitawan sa harapan ng bata. Agad na nagulat ang taong iyon nang bigla siyang yakapin ng bata.

"Thank you Kuya Marro. You're here. Akala ko wala na talagang maghahanap sakin, natatakot na po ako dito kuya. Gusto ko ng umuwi.."

Mahabang pahayag ng bata at halata ang panginginig sa boses. Agad na kumalas ang lalaking si Marro at nginitian ng mapait ang bata.

Hinawakan niya ang magkabilaang ulo ng bata pagkatapos ay nakaramdam iyon ng matinding pagkahilo, nararamdaman ng batang iyon na unti-unti nitong binubura ang kanyang mga ala-ala.

Tuluyang nawalan ng malay ang bata na tumagal ng halos ilang araw.

Noong nagmulat siya ng kanyang mga mata ay unang tumambad sakanya ang mga taong nakadamit ng puti at balot na balot ng damit ang buong katawan. Tanging mukha lamang ng mga iyon ang makikita.

Ngumiti sila sabay kaway sa bata. Bumangon siyang nakukonot ang nuo habang tinitingnan ang kanyang paligid.

"Nasan ako? Sino sila? Anong pangalan ko?"

Tanong niya sa kanyang sarili......

•••••

A/n: Sa mga nagtatanong kung uulit ba sila ng pagbabasa, well, nasa sa inyo na po iyon kung uulitin niyo. Salamat. :)

DREAMLAND ACADEMY
By: JeGodLhubseuo429

P.s: I'm changing all the Characters in Character Section. Hindi na si Yoona ang gagamitin ko sa story. Iyon lamang salamat :)

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon