CHAPTER 8: Fake

100K 3.2K 209
                                    

-Liera's Pov-

Sa wakas at natapos ko na rin ang pagdidiliver ng mga dyaryo. Tanghali na kasi nang magising ako kanina. Ibig sabihin nito malalate na ako sa school.

Dali dali ko ng isinuot ang aking uniporme. Tinakbo ko ng pagkabilis ang daan papuntang school. Ayukong magteleport baka kasi may makakita sakin.

5 minutes nalang at malalate na ako. Tinakbo kong muli ng pagkabilis bilis ang classroom namin. Pinihit ko na ang doorknob noong nakarating ako. Pero bago ko pa man buksan ang pinto ay nagtago ako sa gilid dahil alam kong nakaready na rin sila sa loob. Ginamitan ko ito ng mahinang airwaves para bumukas.

One

Two

Three..

Tada! May sinabuy lang naman po silang harina doon sa pinto pero ang malas nila kasi wala ako. Haha. Sayang yung harina.

Naglakad na ako papasok. Kitang kita mo sa mukha nila ngayon ang inis at irita. Bleh! Buti nga sa inyo. Buti at wala pa ang adviser namin.

Dahan dahan akong naupo sa aking upuan habang nakatingin sa upuan ng aking katabi.

Himala! Wala pa siya, si Genson. Di ko pa yun nakitang nalate. Lagi yung nauuna saking pumasok dito.

Napakibit balikat nalang ako at kinuha ko na lamang ang aking earphone at cellphone. Isinuksok ko sa aking magkabilaang tenga ang earphone. Makikinig na lamang ako ng music. Wala pa naman si sir at mas lalong wala akong balak makinig sakanya. Oo, nerd ako at ako lang ang nerd na bulakbol pero top 1. Kitams?

Naputol ang aking pag iisip nang biglang may lumapag na kamay dito sa aking table. Tumingala ako and it was Emely and her alipures.

Di ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pakikinig sa tugtugin. Kita ko na tila nagsasalita siya pero di ko 'yun marinig dahil nga naka earphones ako. P*ta. Wala akong oras ngayon sayo Emely.

Maya't maya pa'y may humila na lamang bigla sa aking earphones. Bigla akong napatayo upang harapin 'tong babaeng 'to.

"I'm talking to you. So will you please listen to me." pag iinarte niya sa aking harapan. Napairap ako ng wala sa oras dahil sa tono niya.

"Bakit nanaman ba?" tanung ko sakanya.

Bigla niyang iniyuko ang kanyang ulo na ikinagulat ko ng husto.

"Gusto ko lang sanang humingi ng sorry sayo. Not only me but---All of us." sabay turo niya sa mga classmates namin. Tumango-tango naman ang ilan sa aming mga kaklase.

"Napag alaman kasi naming sumusubra na ang ginagawa namin sayo. Alam kung kulang ang isang sorry para dun kaya lahat kami magsosorry sayo."

Salaysay niya sabay hawak sa aking mga kamay.

Wow parang kanina lang inis na inis sila kasi hindi tumama sa pagmumukha ko ang sinaboy nilang harina tapos ngayon humihingi na ng sorry? Sira ba sila?

"Mapapatawad mo pa ba kami?" tanung ni Emely sakin.

Ngumiti naman ako ng malawak sa kanila, hudyat na Oo ang aking sagot sa tanung niya.

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon