CHAPTER 19: The Goddess

91.1K 2.7K 101
                                    

-Liera's Pov-


"Kya! Liera! I still can't believe that the three of them are your friends. Prince Jift and Prince Genson pati si Prince Gab. Haha you're so lucky girl! Kyay! Ibalato mo nalang sa akin si prince Clark."


Muli nanamang sigaw ni Famella. Nahihilo na talaga ako sa isang to, kanina pa ikot ng ikot sakin tapos sasabunutan ako. Hindi pa rin siya makapaniwalang mga kaibigan ko ang tatlo sa walong Bloodroyali.


"Aw! Tama na. Makakalbo na ako niyan eh." pagtapik ko sa kamay niya. To namang si Acirej di manlang inaawat si Famella. Kanina pa to tulala na nakabuka ang bunganga. Parang inlove to ah! Pag tumulo pa mamaya laway niyan for sure inlove nga talaga.


"Woy! Acirej! Gawin mo ngang yelo to ng di na makagalaw sa kinatatayuan niya." pagbato ko kay Acirej ng bolang papel. Bigla naman itong natauhan at tumawa ng malakas. Isa pa tong baliw.


"Anu ba Fam! masakit na po." sabay sabunot ko rin sa buhok niya pero nakatawa parin siya. May lahi ata tong baliw. Halata eh.


"Tara na nga! May ereresearch pa pala tayo ngayon sa library. Di pa natin nagagawa yun." pagyaya ni Famella sakin.


"Teka lang." habol ko sakanya, nauna kasi siyang naglakad papalabas ng dorm.


"Bye Ace. Hihi" pagpaalam ko kay Acirej.  Cute ng name niya. Ngumiti lang to sakin at pinagpatuloy muli kung anu man ang ginagawa na niya ngayon.


Tinakbo ko na ang pwesto ni Famella dahil ang layo na niya. Kung pwede lang sana magteleport kanina ko pa ginawa kaso kapag ginawa ko iyon malalaman nilang may mahika ako.


Ilang sandali ang lumipas ay bigla na lamang akong nakaramdam ng pagsakit sa aking balikat.


"ARAAAY!"


Sigaw ko sa sakit. Para nanaman kasing tinutusok ang balikat ko and this time mas sumakit pa ng sampung beses. Napaluhod ako sa sobrang sakit nito habang hawak hawak ang aking kaliwang balikat. Mariin kong naipikit ang aking mga mata sa sobrang sakit.


Noong nagmulat ako ng aking paningin ay pakiramdam ko parang hindi pa rin ako nakamulat dahil sa sobrang dilim ng paligid. Bulag na ba ako? Nasaan na yung mga estudyanteng kanina lang eh nandito pa naglalakad sa hallway? Saan si Famella. Wala akong marinig na iba maliban sa malakas na pag ihip ng hangin sa paligid. Wala parin akong makita.


Sinubukan kong gumawa ng isang fire ball pero hindi gumagana ang mahika ko. Anong nangyayari? Nasan ba ako? Kumapa kapa ako, nagbabakasakaling may mahawakan pero ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang may mahawakan akong kakaiba. Matigas siya na parang tinik tinik na malalaki. Para rin siyang kaliskis ng isang dambuhalang hayop.


Bigla akong natumba sa aking kinatatayuan nang unti-unting lumiwag ang bagay na aking nakapa ngayon. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kumakalat sa buo nyang katawan ngayon ang liwanag.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Where stories live. Discover now