CHAPTER 60: Another Mission

61.9K 1.7K 162
                                    

A/n: Di ito karugtong ng chapter 59. Di ko alam kung anung pumasok sa isip ko ng mga oras na ito.😂✌️

•••••



•Jonas Pov•



Namutla ako sa aking kinatatayuan nang dahan dahan na siyang nawala sa aking paningin. Papanu siya nakapasok dito sa Dreamland? Lumakas na ba siya lalo?


Tumakbo agad ako ng mabilis papunta doon sa kwarto ng aking kapatid. Pagkarating ko doon ay malakas kong sinara ang pinto ng kwarto niya na ikinagulat niya.


"Oh kuya? Problema mo?" takang tanung niya habang nakahiga siya sa kanyang kama.


Lumapit ako sakanya at naupo sa kama. Pinatunog ko muna ang mga daliri kong nanlalamig sa kaba. Panu ko uumpisahang sabihin sakanya ang nakita ko?


"Hay naku kuya! Alam na alam ko na yang mukha na yan. Tsk! May ginawa ka nanamang kalokohan anu?" sambit niya pagkatapos ay bumangon at naupo na rin.


Hinawakan ko siya sakanyang dalawang mga kamay. Gulat ito nang maramdaman niya ang panlalamig ng aking mga palad.


"A-andito si M-ama.." nauutal kong banggit, hindi ko maiayos ng mabuti ang aking boses dahil sa kaba. Halus di ko na rin malunok ng husto ang sarili kong laway dahil sa takot na nararamdaman.


Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig kasabay noon ang agad na pag-agos ng kanyang mga luha.


"I-s s-he g-oing to g-et me?" tanung niya habang umiiyak. Agad ko siyang niyakap habang hinihilod ko ang kanyang likuran.


"No Yelley! Hangga't nandito si kuya hinding hindi ka niya makukuha.." pangungumbinsi ko sakanya.


"Ayukong m-angyari ulit y-yung nangyari n-oon k-uya! A-yukong gamitin n-iya ako u-lit pa-ra p-pumatay ng mga magic user dito sa D-dreamland." mangiyak ngiyak niyang sabi.


"I won't let mom to do that to you again. You're not her puppet!"


Sana nga! Sana nga magawa kong protektahan ang aking kapatid laban sa aming mga magulang.


"Naaalala k-ko p-parin kuya y-yung ginawa ko sa p-pamilya n-niya. Sariwang sariwa pa yun sa---" di ko na pinatapos pa ang sasabihin niyang iyon dahil nandoon rin ako noong ginamit ni mama si Yelley para pumatay.


"Ssh..Wag mo ng isipin pa yun Yelley. Ang importante ngayon ang kaligtasan mo.."


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon