CHAPTER 18: Meet Them Again

86.2K 2.8K 48
                                    

-Third Person's Pov-


Kasalukuyang naglalakad ngayon ang hari papunta sa kwarto nila ng reyna.


Napadaan siya sa kwarto ng namayapa nilang anak na prinsesa, binuksan nya ang pinto ng kwarto at sumilip doon. Pumasok siya sa loob habang patingin-tingin sa mga gamit roon.


Napabuntong hininga siya nang makita ang mga bistida na naka sabit sa bukas nitong kabinet.


"Kung buhay ka lang sana ngayon aking anak, di sana kami ngayon ganito kalungkot." matamlay na bulong niya sa kanyang sarili at niyakap ang damit na hawak-hawak niya ngayon. Di niya namalayang tumulo na pala ang kanyang mga luha.


Binalik niya na ito at nilisan na ang kwartong iyon, nagpatuloy siya papunta roon sa kwarto nila ng Reyna.

•••••


"Ssh..Tahan na anak, hindi mo kasalanan, okay." pagpapatahan ng reyna doon sa anak nila.


"No ma! It's my fault! Palagi ko siyang napapanaginipan! Humihingi siya ng tulong sa akin. Ako ang kasama niya noong mga panahon na iyon." pag iyak ng anak sa harapan ng kanyang ina.


Biglang sumulpot ang hari sa eksena pagkatapos ay niyapos niya ng mahigpit ang kanyang mag-iina.


"Tahan na anak. Mga bata pa kayo noon, wala pa kayong mga mahika." pagsalita ng hari.


'Dapat na naming ibaon sa limut ang mga nangyaring iyon.' Bulong ng hari sakanyang sarili.


•••••


-Liera's Pov-



"Anu ba? inaantok pa ako eh" pagbangon ko upang harapin si Acirej na nambubulabog sa maganda kong tulog. Tiningnan ko siya at nakapamewang siya sa aking harapan.


"Hindi kaba papasok? Lunes ngayon?" tanong niya sakin sa kalmadong tuno. Oo nga pala Lunes ngayon.


"Anong oras naba?" bored na tanong ko habang nagkukusot pa ng mata sabay hikab.


"Magse-seven o'clock palang naman eh. Sige pa Liera, matulog ka pa, maaga pa naman." sarkastika niyang sagot pagkatapos ay naglakad paalis habang tumatawa.


"WHAT! Malalate na ako." Sigaw ko, kasabay noon ang mabilis kong pagbangon at tumakbo papasok ng cr upang maligo.


"Mauuna na kami Liera.." pagpapaalam nila ni Famella sa akin.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Where stories live. Discover now