CHAPTER 14: Roommate

98.8K 2.9K 116
                                    

-Liera's Pov-



Muli akong humarap sa salamin at tiningnan ang aking sarili. Saktong sakto talaga sakin ang unipormeng binigay sakin ng academy. Diniliver ito kahapon ni Avah dito sa bahay.


Ang cute nitong tignan. Long sleeve siya na kulay puti tapus may pink na ribon sa leeg. Naka tack in ito sa color pink din na palda. Hindi ito mainit sa katawan. Di tulad doon sa mundong kinalakihan ko, ang init pag nasuot na.

(Credits to the rightful owner

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Credits to the rightful owner..)

Tumingin ako sa aking wrist watch at 6:00 am palang. Ang aga ko naman ata. Excited lang siguro akong pumasok sa new school ko. Ngayon na kasi ang bukas-klase dito sa Dreamland. Kinakabahan ako na naeexcited talaga. Sana mababait ang mga estudyante dito.

•••••

Lumabas ako saking kwarto wearing my old style again pero hindi na katulad ng dati.


Tanging salamin nalamang ang natira sa aking kapangitan noon. Nakasanayan ko na kasing tignan ang sarili ko sa ganitong ayus. Bumaba na ako ng kwarto para mag almusal. Sakto namang nandoon na rin silang dalawa. Di parin sila nakabihis.


Halata ang pagkagulat ni Genson nang makitang suot-suot ko ulit ang aking salamin pero napailing na lamang siya.


"Nga pala Liera. Di tayo magkakasabay ngayong pumasok kasi mauuna kami. Kitakits nalang tayo doon sa academy. Doon na rin naman tayo magsstay eh." Sabi ni Genson habang nagmamadaling kumain.


"Okey." tipid na sagot ko na sinabayan ko ng tango. Alam ko na rin naman puntahan mag isa ang academy. Tinuruan na nila ako kahapon. Tinuro din nila kung nasaan ang dorm ko kaya alam ko na din yun.


Ako na lamang mag-isa ngayon dito sa dining kumakain.


Pagkatapos kong lumamon ay kinuha ko na ang susi ng dorm ko sa taas at nilagay sa bag pati na rin ang aking cellphone.


Naglakad lang ako papuntang school. Ang lapit-lapit lang kasi.


Noong nasa tapat na ako ng academy. Huminga muna ako ng malalim, inayos ko ang aking salamin sa mata at tuluyang pumasok.


Napansin ko lang, di ata magkakapareho ang uniform ng mga estudyante dito, merung green, blue at pink tulad ng suot ko ngayon, Pink.


Naglalakad ako dito sa hallway ng school papunta sa dorm ko. Bawat nadadaanan ko ay tinitingnan talaga ako ng mabuti tapus nagtatawanan.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon