Chapter 72: The Blue Stone And The Dagger Of Death

57.6K 1.5K 360
                                    

Kasalukuyang andito ako sa loob ng aking kwarto nagsusulat ngunit naputol lamang iyon nang magsalita ang aking kakambal. Naglakad siya papalapit sa akin at kakagaling lamang nya sa terrace ng aking kwarto.

"Anong petsa ngayon?"

Tanong niya at agad na naupo sa table ko kaya bigla ko siyang tinapik.

"Masisira!" reklamo ko habang tinitingnan ko sya ng masama. Humagalpak siya ng tawa pagkatapos ay huminga ng malalim at nagsalitang muli.

"Haria? Do you think Chensi still remember me? I mean Haria Hyoung.." malungkot niyang tanong.

Tiningnan ko siya habang naniningkit ang aking dalawang mga mata. Bawat pagsambit niya sa totoong pangalan ni Chensi ay tila nagrereflect ito sakin. Siguro dahil hindi lang talaga ako makapaniwalang kapangalan ko ang taong inampon nila mama't papa.

Pero ang nakakapagtaka nito bakit nag iba na yung pangalan niya ngayon? At bakit yata hindi ako komportable kapag nasa paligid siya lalo na kapag magkasama sila ni Shin.

Hays! Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong ng kakambal ko.

"I dunno. Maybe yes. Or maybe no.. Siguro hindi, ewan, baka, siguro..." iba't ibang klaseng sagot ko kaya biglang kumunot ang nuo ng aking kakambal. Naibagsak rin nya ang kanyang dalawang mga balikat.

"I miss her..."

Bulong niya pero narinig ko. Bigla akong napangisi sa isipan sabay tayo. Naglakad ako papalapit sakanya sabay hawak sa magkabilaan nyang balikat na ikinagulat naman niya.

"Be honest Aivan. Did you really treated Chensi, I mean Haria Hyoung as your sister before or not?" nakangising tanong ko sa aking kakambal kaya bigla siyang nag-angat ng paningin at tiningnan ako ng deritsa sa mga mata. Umiwas agad ito ng tingin at tila namumula ang mga pisngi nito. Haha I knew it!

"W-what do you mean about that?" kinakabahang tugon niya at tinapik ang kamay kong nakahawak sa balikat niya.

"Wala akong ibig sabihin sa tanong kong yun, nasa sa iyo yun kung binibigyan mo ng kahulugan yung tanong ko." Sagot ko habang hindi matanggal tanggal ang ngisi sa aking labi.

"Alright. *sigh* I didn't" he answered.

"Ha?"

"Wala!"

"Eh! Anu nga!"

"Nothing Haria!"

"Asus! Nahihiya kabang aminin?"

"Haria! Stop!"

"Stop! What? I didn't even touch you or-"

Pareho kaming natigilan ng kakambal ko noong may kumatok sa pinto ng aking kwarto.

"Prinsesa Haria, Prinsipe Aivan, tawag po kayo ng mga magulang niyo doon sa den."

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon