CHAPTER 3: Gumamela Flower

120K 3.7K 94
                                    

-Liera's Pov-

Andito ako ngayon sa park mag isa. Halos apat na araw na rin pala akong hindi pumapasok sa school.

And Yes! Ako lang ata ang nerd na ganito. Being a nerd, I am supposed to be crown as a book worm, afraid to be late and take cutting classes. Pero isa lang din naman akong tao, napapagod, nagsasawa at tinatamad.

NAKAKATAMAD na kasi. Sawa na ko sa pagmamahal na pinapakita nung mga schoolmates ko sakin especially my classmates. Nakakatouch kasi, nakakaiyak.

Dito ako palagi tumatambay sa park pag nabobored ako sa bahay. Anu ba naman pwede kong pagkaabalahan sa bahay? Wala naman akong bisita at mas lalo namang walang bibisita sa akin. Eh wala naman akong mga kaibigan.

Since I was 12 years old. I have no friends. Nobody wants me to be their friends. I dont even know why.

 So here I'am. Alone. As always..

Agad na dumako ang aking paningin sa batang babaeng nakasuot ng kulay rosas na bistida. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko. Wala namang tao. Sakin ba siya nakatingin?

Naglakad siya papalapit sakin. Bago paman siya tuluyang makalapit sa kinauupuan ko ay may pinulot pa itong tuyong bulaklak.

"Here." abot niya sakin nito at ngumiti. Kakaibang ngiti ang pinupukol niya sakin, it seems like--argh. Nothing. Never mind. Kulay violet ang buhok nito. Hindi ko alam kung natural ba yun o pinakulayan. Masyado pa naman ata siyang bata para magpakulay ng buhok.

Ngumiti ako sakanya na may halong pagtataka bago tinanggap ang tuyong bulaklak na ini-aabot niya.

"Thank you little girl."

Nakangiting saad ko sakanya.

"You look like that flower." biglang pagsalita niya. Hindi maalis ang tingin nya sa bulaklak na hawak hawak ko na ngayon.

"Ha? Bakit naman?" kunot nuong tanong ko.

"Don't you see your face in the mirror? Mukha kang bulaklak na nalanta. You're so sad." pagsagot niya.

At hala. Anu daw? Tong batang to parang ang tanda tanda magsalita. Ngumiti ako sakanya na sinabayan ko ng pagluhod para mapantayan ko ang taas nya.

"Hihi. Pasensya kana baby. Marami lang kasi akong iniisip." nakangiting sabat ko. Laking gulat ko nang bigla niya akong yakapin.

"Problems can make us ugly. Don't waste your time to think all of it. There's so many ways to solve it. You are pretty than your problems. Why don't you try to hang out with your friends? Don't face the problems alone cause it's difficult.", sabay bitaw niya sakin sa pagkakayakap.

Hala! Bata ba talaga to? Bat ganito to magsalita? Ang daming alam. Naranasan naba niyang magkaproblema?  At anong sinasabi niya na nakakapangit eh, pangit na nga rin ako. Nasan naba ang mga magulang nito?

"Hihi. I have no friends dear. At tsaka pangit na rin naman ako. By the way, I'm Liera. How old are you and what's your name?" tanung ko sakanya.
 

"I'm She-" naputol ang sagot niyang iyon noong may tumawag sakanyang babae.

"Sheren! We're going home!" mommy niya ata yun.

"Bye ate.. " pagpapaalam niya at umalis na sa aking harapan. Tumakbo siya papalapit sa kanyang mommy.

Napayakap ako sa aking sarili dahil sa tinging ipinukol ng nanay niya sa akin. Ee? Ang creepy.

So Sheren pala ang pangalan niya. She so cute. Ngayon ko lang napansin. Sana magkita pa kami dito o kahit saan man.

Tiningnan ko itong tuyong bulaklak na hawak hawak ko ngayon. Gayon na lamang ang pagkagulat ko noong maging isang sariwang bulaklak na ito ngayon. Bigla ko na lamang itong naitapon.

Multo ba yan? Ay tanga! Wala pa akong nakitang bulaklak na multo. Hindi kaya-

Imposible! Binatukan ko ang aking sarili dahil sa aking naiisip. Imposibleng minagic yan ni Sheren dahil bata lamang sya.

Nanginginig kong pinulot ang bulaklak at tiningnan ng mabuti. Ino-obserbahan ko ang bawat petals nito. It's a gumamela flower. Color yelow siya. Nakakamangha, sariwang sariwa na talaga ito ngayon, mukha itong bagong pitas sa lagay niya.

Pinaikot-ikot ko pa ang stem nito sa aking daliri. Nakakapagtaka tong bulakalak na ito.

"Ano kaya kung dalhin nalang kita pauwi?" tanung ko doon sa bulaklak na hawak hawak ko. Baliw na ata ako. Pati bulaklak kinakausap ko. Baka sumagot pa ito mamaya kaya binitbit ko nalang ito at nag simula ng maglakad pauwi ng bahay. Medyu makulimlim na kasi. Baka uulan. Gutom na rin naman ako.

Pag dating ko sa bahay. Wala akong pagkain na nadatnan. Malamang ako lang mag isa ee. Tamad na rin naman akong magluto kaya dumiretso na ako sa pagtulog. Sesexy nanaman ako nito.

 
Muli kong sinulyapan ng tingin ang sariwang bulaklak na hawak hawak ko parin ngayon.

'Kailangan ko pa bang tuklasan ang nakatagong misteryoso sa bulaklak na ito'

•••••

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon