CHAPTER 13: Meet Gab Rhiro

107K 3K 301
                                    

-Liera's Pov-


Palabas na kami ngayong tatlo dito sa bahay nila. Kaya pala pinaayosan ako ng ganito ni Genson dahil may pupuntahan daw kami. Ngayon niya na lamang naisipang bumili ng mga school supplies namin.

I sighed! Bibili lang pala kami ng school supplies pinabihis pa ako ng ganito, anu yun? May party sa loob ng bookstore habang namimili ka ng mga gamit mong bibilhin? Ay bongga ha!

"Anu palang sasakyan natin?" tanung ko sakanilang dalawa na nasa unahan ko ngayon.

"You'll see." sagot sakin ni Genson habang nakangiti.

Maya't maya pa'y biglang lumakas ang hangin sa buong paligid.

"Nandyan na." excited na sambit ni Genson.

Isang malakas na atungal ng malaking hayop ang narinig kong paparating sa kinatatayuan namin

Bahagya akong napaatras noong may lumapag na napakalaking---Anu to!?

Yung ulo niya agila pero yung katawan naman niya ay leon na may pakpak.

Ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng hayop. Hindi ba to nakakatakot? Sasabihin ko pa ba sa inyo kung panu makatitig tong mga to sakin? Ou mga kasi tatlo silang lahat.

"Hahahahah..." bigla akong natauhan noong tumawa ng malakas sakin si Genson na ngayon ay nakasakay na sa likod nito. Ako nalang pala ang hindi pa nakakasakay kasi nakasakay na silang pareho.

"Anu pang inaantay mo dyan Liera? sakay na." pagtawa parin niya. Tig iisa kami ng agila na sasakyan namin ngayon.

Tiningnan kong muli ang napakalaking hayop nato sa harapan ko. Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil ang sama niyang makatitig sakin. Hindi ko alam kung anong ginawa kong kasalanan dito eh ngayon palang nga kami nagkita. Panu kung pagsakay ko bigla tong magwala tapus liparin ako nito sa ibang lugar? Ayuko!

Agad na gumuho ang diwa ko sa pagkabigla noong may humila sa kamay ko at kinaladkad ako paupo dun sa likod ng malaking agilang sinasakyan niya. Pagkatpus eh pumwesto rin siya sa likod ko. Bali ako sa unahan siya sa likod.

"Tss! Ang arte." yan lang ang tanging sinabi niya noong parehas na kaming nakaupo. Si Jift.

Nilingon ko siya sa likod at nakatingin lang to sa pakpak ng agila . Tiningnan ko naman si Genson at tila nag iba na ang mukha nito. Kanina parang ang saya saya pa niya, ngayon parang naiirita na siya, panu ba naman eh yung agila niya parang inaasar siya, ayaw lumipad.

Maya't maya pa ay inangat na ng agila ang pakpak nito hudyat na lilipad na ito paalis. Kumapit ako ng mahigpit sa balahibo nito nang mag umpisa na siyang lumipad.

Ang hirap kasing umupo dito sa likod nito. Bat kasi pinasuot ako ng dress? Nagmumukha tuloy akong formal.

Ang mas mahirap pa nito eh yung taong nasa likod ko na nakahawak ngayon sa beywang ko. Parang nakikilitian ako sa paghawak niya sakin ngayon. Kaya di ako mapakali. Siguro sadyang hindi lang talaga ako sanay na may humahawak sa bewang ko.

"Wag ka ngang malikot! Ihuhulog talaga kita" cold niyang sambit. Bigla naman akong nabato sa aking kinauupuan dahil sa sinabi niyang yun.

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon