CHAPTER 73: Twin Sister

57.6K 1.5K 354
                                    

Third Person's Pov•




"So?"


Bungad ng reyna at hari nang makarating sila sa isang liblib na kulungan sa loob ng kanilang palasyo.


Inatasan ng hari ang isang nagbabantay na kawal upang buksan ang pinto ng kulungan.


Nanatiling tahimik ang taong nasa loob ng kulungang yun habang tinitingnan niya ng buong panghihina ang dalawang taong nakatayo sa kanyang harapan.


Naglakad papasok ang hari sa kulungan sabay hawak sa baba ng taong nakakulong. Pinisil nya ang baba nito hanggang sa dumugo.


"Ikaw pala ang rason kung bakit hanggang ngayon buhay pa ang prinsesa!", sambit ng hari habang hindi parin binibitawan ang baba niyon.


Pasikrito kung dumadaing ang tao sa tuwing dinidiin ng hari ang mahahaba nitong koko sa kanyang baba.


"Lo? Maawa na po kayo kay daddy." pag mamakaawa ng batang kasama ng reyna ngayon.


Lumuhod muna sa harapan niya ang reyna bago nagsalita.


"Sheren, your father made a very unforgivable mistake so he deserved to be punished."


Paliwanag ng reyna habang nakangisi.


Lumapit naman ang reyna sa taong nakakadena at hinawakan nya ang tyan nyon. May ipinatong syang itim na mahika sa tyan ng tao.


"Ano! Sasaktan niyo nanaman ba ako? Mas mabuti pang patayin niyo nalang ako kesa sa ganito! Wala kayong kwentang mga magulang! Sarili niyong anak sinasaktan niyo! Wala kayong puso! Sa harap pa talaga ng anak ko." matapang na sigaw ng lalaki sa harapan ng kanyang mga magulang. Malakas syang sinuntok ng hari, at inulit pa iyon ng hari ng maraming beses.


"Kung wala kaming kwentang magulang, Jauan! Wala karing kwentang anak!" pagsabat ng reyna kay Jauan at idiniin papasok ang itim na mahika sa sikmura niya.


"Aaaaargh!!"


Umalingawngaw sa loob ng kulungan ang malakas na pagsigaw sa sakit ni Jauan. Agad na nanangis ang anak niyang si Sheren habang pinapanood ang ginagawa ng kanyang lola sa ama niyang si Jauan.


"Lola? *sob* anu pong ginawa niyo kay Daddy?" mangiyak ngiyak na tanong nong bata sa lola. Hinawakan siya ng lola niya sa kamay at hindi sinagot ang tanong. Kasabay noon ang paglakad nila palabas ng hari sa kulungan nang matapos na niyang gawin ang ginagawa niya sa anak nilang si Jauan.


Naiwan namang nanlulupaypay ang katawan ni Jauan doon sa bilanggoan habang nakasabit ang dalawa niyang kamay sa kadenang gumagapos sa kanyang magkabilaang braso.


Napapasigaw rin siya sa sakit sa tuwing gumagalaw sa loob ng sikmura niya ang itim na mahika.


Pakiramdam niya ay unti unti siyang pinapatay niyon pero hindi siya namamatay. Tanging sakit lang ang kanyang nararamdaman sa buong katawan na para bang tinatadtad ng maraming karayum ang kanyang mga bituka.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon