CHAPTER 78: The Holy Sword Of Pegasus And The Holy One

52.1K 1.4K 479
                                    

~~~


Clark's Pov•




Masukal na daan ang tinatahak namin ngayon. Matagal-tagal na ring panahon ang nakalipas noong huling pagdaan ko sa lugar na ito. Halata ring hindi na napapangalagaan ito dahil sa mayayabong na mga talahib dito sa daan.


Marami akong ala-alang nakikita dito. Nai-imagine ko pang naghahabulan kami kasama ang mga pinsan ko, kasama sila tito't tita. Nagpapalipad ng saranggola at dito rin kami nag-eensayo noong unang lumabas ang aming mga mahika. Huminga ako ng malalim dahil sa naaalala ko nanaman ang malungkot na trahedyang nangyari. Binago ng trahedyang iyon ang lahat ng pangyayaring pinaka-iniingatan ng pamilya.


"Aw!" Kaagad na natigil ang iniisip ko nang biglang dumaing si Aghot doon sa likuran namin ni Lilah. Huminto siya sa paglalakad at sinipsip muna ang dugong umagos mula doon sa daliri niya.


"Anong nangyari?" takang tanong ni Deon sakanya sabay lakad papalapit.


"Yung ibang talahib dito, matalim. So be careful." sagot niya at naunang maglakad sa amin ni Lilah.


Patungo kami ngayon sa lumang bahay nila Lilah. Matagal ng walang nakatira doon maliban kay Suzhe na siyang pinakiusapan ni Lilah na bantayan ang bahay. (Suzhe was in Chapter 42)


Hindi parin ako makapaniwalang buhay ang kapatid ni Lilah, si Lemin. Hindi ko rin alam kung nagbibiro lang ba siya pero mukhang hindi dahil naluluha pa siya noong ikinewento niya ito sakin. Mula ng gumaling siya kahapon mula doon sa natamo niyang saksak na kagagawan ni Lemin ay dali dali siyang pumunta sa lumang bahay nila pero agad ko siyang pinigilan dahil gusto kong sumama. Sumama rin sila Aghot, Drew at Deon, kaya lima kami ang andito ngayon.


Huminto sa paglalakad si Lilah noong natatanaw na niya hindi kalayuan sa pwesto namin ang lumang bubungan ng kanilang bahay, mariin niyang ipinikit ang dalawang mata bago huminga ng malalim at ngumiti ng pilit.


Tuwing nakikita ko ang pinsan ko ng ganyan ay nasasaktan ako, siguro dahil noong araw na pinatay ng taong iyon ang pamilya niya ay nahuli na kami ng dating ng mga magulang ko. Mabuti nga at naabutan pa naming buhay si Lilah doon, wala rin kaming nakitang bangkay doon ni Lemin kaya hindi na kataka-taka kung sakali mang buhay siya ngayon.


"Suzhe! Suzhe!?"


(A/n: if you can't remember her, you can back read the chapter 42😘)


Paulit-ulit na tawag ni Lilah doon kay Suzhe nang marating na namin ang harapan ng lumang bahay nila. The surroundings was quiet at mukhang bagong linis lang ang labas nito. Natuon ang atensiyon naming lahat sa isang mesa dito sa labas malapit sa malaking puno ng narra noong malakas na umihip ang hangin. Gumulong gulong ang isang boteng walang laman, at tila inumin iyon.


"Ahmm. She's drinking again." Lilah murmured and took a deeply breathe. Sumunod kami sakanya sa paglalakad nang mag-uumpisa na siyang umakyat sa tatlong hakbang na hagdan ng bahay. Hinawakan niya ang doorknob at binuksan niya ito, tumambad sa amin ang magulong salas ng bahay.


"Suzhe! SUZHE!"


Naiinis na tawag ulit ni Lilah kay Suzhe pero wala paring sumasagot. Sabay sabay kaming napaupong apat sa sofang maraming papel na naka-kalat habang nakatingin kami kay Lilah na panay tawag kay Suzhe. Sinisipa din niya ang mga bagay na nakikita niyang naka-kalat sa daan. Umakyat siya sa pangalawang palapag ng bahay at pinagpatuloy ulit ang pagtawag kay Suzhe.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon