CHAPTER 62: Freakish Temple (part II): Found The Crystal And The Ringleader

64.4K 2K 406
                                    

A/n: Hallo guyss.😂
By the way. Sa mga Silent readers diyan, paramdam naman po kayo. Hihihi.

•••••

Lilah's Pov



Panay ang padyak ko sa aking mga paa dahil sa inip dito sa aking kinatatayuan habang nakapamewang.


Kanina pa akong naiinip sa kahihintay sa dalawang iyon pero wala parin sila.


"Pwede ba Lilah! Maupo ka muna! Naiirita na ako dyan sa paa mo !" reklamo ng babaeng nakaupo sa isang upuan doon malapit sa gate papasok don sa templo. Kanina pa kami nakarating dito samantalang sina Liera ay wala pa rin.


"Tsk!"


Naglakad akong muli papalapit doon sa dalawang gwardiyang nakatayo sa gate, may hawak ang mga ito ng tig-iisang pana sa kamay. Kanina pa ako nakikiusap sakanila na papasokin kami ngunit ayaw parin nila.


"Hanu! Hindi niyo ba talaga kami papasukin diyan sa loob?" sigaw ko sakanila habang dinuro-duro ko ang mga pagmumukha nilang puro bungo.


Hindi sila sumagot sa tanong ko sa halip ay kumurap kurap ang mga ito, akala mo naman eh merung mga mata, eh puro nga silang mga bungo.


"Hahaha! Wag nga kayong kumurap. Wala naman kayong mga mata eh!" biglang pagtawa ni Aghot na ngayon ay nakatayo na sa aking tabi. Nakahawak pa siya sa aking balikat habang tumatawa. Winaslik ko ang kanyang kamay na nakahawak kasi naiinis na ako.


"Wala daw tayong mata, mga baliw.." rinig kong bulong ng isang guwardiya sa katabi pa niyang guwardiya.


"Ou nga. Baka sadyang nagwagwapohan lang sila satin.." pag sang-ayon ng isang guwardiyang bungo na agad namang ikinatango nong isa. Nakakadiri ang huling sinabi nila. Anung gwapo ang pinagsasabi nila? May bungo bang gwapo? Eh halus puro buto na nga sila eh.


Ou! Ang mga gwardiya na nagbabantay ngayon sa gate ay mga skeleton. Kalansay.


"Yuck! Kadiring mga kalansay! Kayo gwapo? Hahay! Inuod na ata ang mga utak niyo." bulyaw sakanila ni Aghot pagkatapos ay namaypay pa gamit ang isang palad.


"Hahaha! Kalansay daw tayo pre!" malakas na pagtawa nong isa sabay apir sa kanyang kasamahan.


"Malalabo na ba mga mata niyo? Madaming humahabol sa mga mukhang to tapos tatawagin mo lang kalansay. Haha asdgjfck!" tawa parin ng isang gwardiya. Muntik na akong masuka dahil doon sa mga pinagsasabi niya.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon