CHAPTER 1: Liera Leen Guiton

207K 5.2K 564
                                    

Nakadungaw ako sa bintana ng bahay habang nakahalumbaba. Maganda ang sikat ng araw pero tila tinatamad pa akong kumilos.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. Humikab sabay unat ng aking katawan. Inaantok pa ako pero hindi maaaring hindi ko gawin ang mga gawain ko ngayong araw.

Naglakad ako papunta sa isang sulok kung saan nakapatong ang mga dyaryong aking ipangdidiliver sa bawat bahay ngayong araw.

Kinuha ko muna ang aking salamin sa mata pati na ang aking sumbrero. Sinuot ko ang mga iyon tsaka ko binuhat ang mga dyaryo. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa nakaparada kong bisikleta.

Inilagay ko sa basket ng bisikleta ang mga dyaryo pagkatapos ay sumakay ako roon at nagsimula ng pumidal.

Huminto muna ako sa unang bahay. Bumusina ako at lumabas roon ang may-ari.

"Ooh iha, Salamat naman at dumating na tong dyaryo mo." Salubong ni Aling Mina sa akin ng may ngiti sa labi.

"Pasensya na po kung medyo nalate."

"Okey lang iha, oh ito kinse pesos." Sabay abot niya sakin ng pera.

"Salamat po, tutuloy na po ako aling Mina." Pagpapaalam ko roon sa matanda at nagsimula ng pumidal ulit.

"Sige iha mag iingat ka."

"GOOD MORNING NGA PO PALA!" Pahabol kong sigaw kay aling Mina, ngumiti lamang sa akin ang matanda habang kumakaway.

Huminto ulit ako sa kasunod na bahay. Ganito at ganito palagi ang aking gawain. Isa akong delivery ng dyaryo. Bago ako pumasok sa eskwelahan ay nagdidiliver muna ako nito. Hindi ko ikinakahiya ang aking trabaho. Dahil sa ganitong paraan ako nabubuhay.

By the way kung nagtataka kayo kung nasaan ang mga parent's ko? I'm so sorry to tell you that--





HINDI KO RIN ALAM. Haha

Lumaki ako sa bahay ampunan. At noong parang kaya ko ng mabuhay mag isa, umalis na ako doon. Kaya heto ako ngayon isang delivery girl. Wala na akong balak pang alamin kung nasaan ang mga magulang ko, masaya na ako sa buhay ko ngayun at sa kung anung merun ako.

Nga pala, hindi niyo pa pala ako kilala. Let me introduce myself first. My name is Liera Leen Guiton, 17 years of age, 4th year highschool at sa private nag aaral. Oh diba bongga.

Paanu ako nakapasok sa ganung school? Well maybe because 4 years ago nagkaroon ng event itong academy at isa ako sa kasamaang palad na nabunotan ang pangalan sa machine na iyon, na kung sino man ang mabunot nila ay libre ng academy lahat ng kanyang pangangailangan sa pag-aaral hanggang sa matapos ang apat na taon neto sa high school.

Halos lahat ng mga classmates slash schoolmates ko doon ay mayayaman. Tsaka ang babait nila sakin. PROMISE. Cross my heart mamatay man silang lahat.

Ganun naman talaga kapag mahirap at pangit ka diba. Attractive ka sa paningin nila. Walang araw na hindi nila ako binubully. Daily routine na ata nila sakin yun. Di ko nalang sila pinapansin, siguro dahil sa sanay na talaga ako. Sa apat na taon ko ba namang pag-aaral roon at apat na taon na ring pambubully, sinong hindi pa masasanay, diba?

Nang matapos ako sa aking ginagawa ay dali-dali akong bumalik ng bahay upang magbihis ng uniporme para pumasok na.


•••••

Habang nasa hallway ako ay samut saring bulung bulungan at pandidiring tingin ang pinupukol nila ulit sa akin. Pero isinawalang bahala ko iyon.

"Freak."


Bulong ng isang babaeng nadaanan ko dito sa hallway, sabay tawa nila ng mga kasama niya. Naiyuko ko ang aking ulo at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa aking mga libro.

Inhale,

exhale.

Yaka mo yan Liera. 1 year nalang at gagraduate kana.

Gagraduate ako. Tama. Yaan mo na sila. Di naman sila kasama sa mga pangarap mo eh. They were just a kind of shit in your life. Life is too short to entertain bullshits! Wag kang papa-apekto, okey Liera? Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Palihim akong napangiti sa aking sinabi. Taas-noo akong naglakad sa hallway kahit na napapangiwi sila sa aking pagmumukha. So what kung nandidiri sila sa pagmumukha ko. I can't even blame them.

Sino ba naman ang hindi mandidiri diba kung makakakita ka ng isang babaeng nerdy na clear skin sana pero mukhang libag. Wrinkles sa noo, eyebags at buhok na kung aakalain mo eh parang hindi naliligo. Pero kahit ganito itsura ko ay mabango pa din naman ako at higit sa lahat mabait.

And who cares anyway!? This is me, this is the real me. Ayukong maging katulad nila na umaaktong gustong-gusto ka daw kasi kaharap ka pero sa likod mo ang daming pinagsasabing hindi magaganda, akala mo kaibigan mo na, yun pala kaibigan ka lang pag may kailangan. Pagtapus na sila sayo halus hindi kana nila kilala.

Sus! Ilang beses na akong nabiktima ng ganyan tapos hindi pa din nadadala.

Huminga muna ako ng malalim noong nasa tapat na ako ng classroom namin. Mga tao nga naman ngayon.

"Liera will always be Liera." Bulong ko sa aking sarili bago tuluyang pumasok.

•••••

A/n: mag-uUD lang ako kapag sinipagan, jk.✌️ Btw. Sinong naglalaro ng ML (Mobile Legends) Laro tayo?😂😂

P.s Sa mga nakakabasa na nito, papalitan ko na po yung apelyido ng ibang characters. Magbabawas din ako ng mga characters. That's all, thank you :)

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon