CHAPTER 21: (DA❤️)

89.3K 3K 155
                                    

Liera's Pov•



"REALLY?" nasa kalmadong pagsabat ni Lilah sa usapan nila Genson pero may riin.


"That's great! Welcome to Bloodroyali Liera Leen Guiton."


Pagsalita pa nito at naglakad papalapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilaan kong braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya dito, halata namang galit to eh bat kailangan niya pang makipag plastikan sakin eh masyado naman siyang obvious.


"And I guess you already know me, right?" tumango lang ako sa tanung niyang iyon.


"Pero di ko pa kilala masyado yung iba." Ako.


"I'm Drew Zhed Highno." pag sulpot niya bigla sa aking harapan. Ang bilis ha. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, hahalikan na niya sana ito nang biglang tapikin ni Jift ang kamay ni Drew na siyang ikinabigla naming dalawa.


"Introducing yourself is enough." walang emosyong pagsalita ni Jift. Napakunot noo na lamang ako dahil doon.


"Panira ka naman brad eh." pagkamot ni Drew sa kanyang batok at tumalikod sakin. Palihim akong natawa sakanya.


"I'm Louise Gin Parker. You can call me Lou if we're close." sabay wink niya sakin. Ang gwapo. Kinikilig ako Dhay. Haha. Wag kang papahalata Liera. Huwag na huwag.


"Markhester Miller. Just call me Mark in short. Amapangit ng pangalan ko eh. Haha" tong isa rin. Ang gwapo. Lahat sila. Asee. Itchura niyo palang mga Pre, busog na ako. Haha---Luh! Nasabi ko talaga yun? Nu kaba Liera. kadirdir ka naman eh.


"I'm Clark Jones. Ang pinakapogi sa lahat." sabay kagat labi niya. Ito yung crush ni Famella ah.


"Woah! Pinaka pogi daw! Ang hangin mo brad! Masyadong malakas baka matangay si Liera niyan!" bulyaw ng kanyang mga kasama sa huling sinabi niya. Lahat naman kayo gwapo eh.


Isa nalang sakanila ang hindi pa nagpapakilala. Pero wala naman ata siyang balak na magpakilala pa so hindi ko na siya pinansin pa. Siguro iniisip niya kilala ko na siya kaya ganoon.


Noong tumalikod na ako para mag ayos ng mga libro ko ay bigla siyang nagsalita.


"Aivan Crost Smithier."


Biglang tumahimik ang atmosphere sa loob ng dorm ng mga Bloodroyali noong nagpakilala siya. Biglang naantig ang aking tenga ng marinig ang kanyang buong pangalan.


Nilingon ko siya pero di siya nakatingin sa akin. Lumapit sila Drew sakanya at inakbayan siya.


"Totoo ba yung narinig nating yun? si Aivan Crost Smithier son of King and Queen of whole Dreamland introduced him self? Haha that was rare." pagtawa ni Drew sakanya. Pero wala paring imik si Aivan sa kinauupuan niya. Pamilyar talaga ang kanyang mukha. Kainis di ko alam kung totoo ba tong iniisip ko. Wag naman sana pero pwede rin Sanang totoo. Sh*t.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon