CHAPTER 24: (DA❤️)

84.7K 2.7K 41
                                    

•Liera's Pov•



Tanghaling tapat na pero medyu madilim parin dito sa gubat, siguro dahilan to sa mga mayayabong at matataas na puno na nakapalibot dito sa gubat. Natatakpan nila ang sinag ng araw.


Nakaupo lang kami ngayon dito sa ilalim ng isang puno, nagpapahinga. Buti nalang at hindi gumagalaw dito ang mga puno, di tulad sa kanina.


Tumayo ako sa aking kinauupuan, noong insaktong maglalakad na sana ako ay biglang hinawakan ni Genson ang aking kamay.


"Where are you going?" bago ko siya sinagot tumingin nanamn ako sa kakambal niya at nakatingin rin siya sa akin kaya ibinalik ko nalang ang aking paningin kay Genson.


"Ah-eh. Sandali lang ako, gusto ko lang maglibot, mukha namang safe dito diba." Nakangiting sagot ko. Umiling lang siya sabay bitaw sa aking kamay.


Nagsimula na akong maglibot dito. Pero di pa naman nawawala sila Genson sa aking paningin. Deri deritso lang ang lakad ko habang palingon lingon sakanila, baka kasi mawala ako, problema pa nila.


Hanggang sa narating ko ang isang lugar dito sa loob ng gubat, dalawang puno ang umagaw sa aking atensiyon. Para itong dalawang haligi na deritsong nakatayo na sobrang taas.


Punong puno ng mga orchids ang katawan nito at naaamoy ko ang bango niyon. Hindi ko mapigilang hindi lumapit doon para hawakan.


Noong saktong hahawakan ko na sana ito ay nakarinig naman ako ng mahihinang kaluskus doon banda sa mga bulaklak? Talaga? Tapos ang gaganda pa. Lumipat ang aking atensiyon doon sa mga bulaklak nang marinig nanaman ang kaluskus.


Kahit medyu kinakabahan man ay pinilit ko parin ang aking sariling hawiin ang makakapal na bulaklak na nakikita ko ngayon.


Bahagya akong napatakip ng aking bibig nang makita ang isang batang babae na nandoon. Nakaupo siya habang yakap-yakap ang kanyang mga tuhod. At halata ang panginginig ng kanyang katawan. Kung titingnan mo siyang mabuti ay tila may pinagtataguan siya.


"Psst. Bata. Bata." Paulit ulit kong tawag sakanya pero di siya lumilingon.


Nakakapagtaka, paano nagkaroon ng isang bata dito sa loob ng gubat na ito?


Tantsa ko ay nasa limang taong gulang siya. Nakadress siya ng kulay violet at may mumunting koronang suot-suot.


Maya't maya ay biglang dumilim ang buo kong paligid. Nawala na ang mga bulaklak na kanina lang eh nandito pa.


Agad akong napatingin sa kaliwa ko nang makita ang iba pang mga batang umiiyak. Lahat sila ay mga lalaki. Halus magkakaedad-edad lang silang lahat kung titignan. Hawak hawak sila ng mga taong nakablack coat.


Ilang saglit lang ang lumipas ay bigla na lamang may sumulpot pang mga taong naka pulang coat sa likod ng batang babae. Halatang kasamahan din ito ng mga taong naka black coat. May hawak itong punyal, pero di ito ordinaryong punyal lamang. Kakaiba ang pagkakagawa nito pati na rin ang desenyo. Umagaw sa atensiyon ko ang kulay bughaw na bato mula doon sa hawakan ng punyal.


Biglang itinaas ng taong may hawak ng punyal ang kanyang kamay at nakatutuk ang punyal na iyon sa ulo ng batang babae. Mas lalong lumakas ang pag iyak ng mga batang lalaking nandoon.


Gusto ko silang tulungan pero parang hindi ako makagalaw, ayukong makita ang pangyayaring iyon pero tila may pumipilit sa akin na tapusin ko ang eksenang ito. Naiinis ako sa mga taong naka pula at itim na coat.


Mabilis niyang sinasak ang punyal na iyon sa ulo ng bata. Hindi ko alam pero bigla akong napaluhod sa lupa dahil sa aking nakita.


Binalutan ng galit ang buo kong katawan nang tumawa ang mga taong iyon.


Naglahong parang bula ang katawan ng batang babae. Naglaho rin sa aming paningin ang mga taong iyon pero bago paman sila naglaho ay nilingon pa ako ng isa sakanila na ikinagulat ko.


Ngumisi siya na siyang nagpadagdag ng aking galit. Isang pangalan lang ang narinig ko sa eksenang to.


HARIA..


Ang paulit ulit na sinasambit ng mga batang lalaki.


Agad na tumulo ang mga luha ko. Para rin akong sinaksak dahil sa wala manlang akong nagawa upang tulungan sila.


Isang malakas na enerhiya ang bumalot sa aking pagkatao. Sinuntok ko ang lupa habang panay ang aking pagluha. Yumukod ako pagkatapos ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata.


Ramdam kong nag-iba nanaman ang kulay nito.


Naisigaw ko sa sobarang galit ang pangalan ng batang babae.


"HARIA!"


•••••


•Jift's Pov•



Naitapun ko ang isang tuperware ng pagkain ng marinig kong sumigaw si Liera.


Nagkatinginan kaming apat sa isa't isa nang marinig ang pangalang sinisigaw niya.


Bakit Haria?


Hindi na kami nag-abala pang tanongin ang isa't isa. We run fast as we could at hinanap kung saan nanggagaling ang boses niya.


Nakarating kami sa isang lugar na hindi namin aakalaing pinasok niya.


We saw her kneeling on the ground while she's covering her face and crying.


Agad siyang hinila ni Aivan palayo doon sa lugar na iyon. She stepped in Imagination ground. Once you enter that part, kung anu-anu nalang ang makikita mo pero lahat ng makikita mo doon ay related sa mga past mo.


Lahat kami'y napaatras noong humarap siya. Her eyes became gold again and she's still crying and we don't even know why. Hindi ko alam kung anung nakita niya.


Kahit medyu kinakabahan ako sa aura niya ngayon ay pinilit ko paring lapitan siya. I want to comfort her.


"Ssh! Don't cry."


I said sabay hila sakanya at niyakap siya. D*mn. I maybe look like a crazy now but, crap! I don't want to see her like this. I don't know why.


"Yung bata-"


Panimula niya sabay hikbi.


"Why? What happened?" nag-aalalang tanong ng kakambal ko habang inalalayan niya sa paglalakad si Liera.


"At anu pala yung Haria na sinisigaw mo kanina?"


Tanong muli ni Genson sabay tingin sa gawi namin.


"Wag muna Genson. Let Liera rest herself now. At baka----iba yun."


Sabat ko. When it comes to Haria I always change the topic. I dunno too. Siguro ayuko lang talagang ibalik yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala yung pangyayari noon.


"Tss!"


At kailan pa siya natotong sumagot sa akin ng ganoon?


•••••

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon