CHAPTER 11: Welcome To Dreamland

102K 3.1K 63
                                    

-Genson's Pov-



Dala dala namin ngayon ni Liera itong kakambal ko. Awang awa ako sakanya noong nakita namin siya kanina doon sa lumang classroom.

Kung bat kasi di niya ako tinawag, kainis tong lalaking to. Pwede naman siyang humingi ng tulong sakin through mind eh. Mapapagalitan pa ako nito nila Mommy kasi may nangyaring masama samin, ay! Sakanya lang pala. Ako kasi ang nagpumilit kay mommy na dito muna kami magstay sa mortal world. Binalaan na niya ako ngunit hindi ako nakinig. Sinama ko pa ang aking kakambal.

Delikado na rin kami dito kung magtatagal pa kami. Gusto ko sanang magteleport papuntang clinic kaso andito si Liera at marami ring mga estudyanting nakatingin sa 'min.

Malala yung sitwasyon niya ngayon. Alam kong hindi kaya ng clinic ng campus na ito gamotin ang mga sugat ni Jift kasi hindi ito ordinaryong sugat lamang. Kailangan dalhin to sa Academy ng Dreamland. Marami doong magagaling na mga healer.

Andito na rin ngayon yong mga taga dark Land. Sila yong kalaban ng Dreamland. Basta explain ko nalang sa inyo next time kung paanu namin sila naging kalaban.

Alam kong mga malalakas na estudyante ng Darkland ang nakaharap niya kanina.

Mabuti nalang at ito lang ang napala niya.

"Tumawag kana ng nurse Liera! bilis!" sigaw ko kay Liera habang inihihiga ko na sa kama ng clinic si Jift. Wala na siyang malay ngayon. Di ako mapakali sa kalagayan niya.

Matagal pa ba yung mga nurse!? tanung ko sa aking sarili.

Maya maya ay dumating na rin naman sila.

"Doon muna kayo mag antay sa labas mga bata. Kami ng bahala." sabi ng isang nurse samin sabay sarado ng pinto.

Naghintay kami sa labas ng halos kinse minuto bago lumabas ang isang nurse.

"Kamusta po siya?" salubong ko doon sa nurse pagkalabas niya. Nanlalamig na yung mga kamay ko sa kaba at namumutla na rin ako.

"Delikado ang sitwasyon niya ngayon kailangan niya ng dalhin sa ospital. Kakaibang sugat ang natamo niya hindi ito makakaya ng clinic, excuse me." sagot niya sakin sabay alis.

Pumasok kami sa loob ng clinic. Grabe! Yung kulay ng balat niya dati na mapula-pula napalitan na ngayon ng putlang putla. Mukha na siyang patay sa kulay niya ngayon.

Sinarado ko muna ang pinto, wala na kung paki pa kung makikita man ako ni Liera na gumawa ng portal basta ligtas lang tong kakambal ko.

"Seio jaeis aliefasva"

pagcast ko ng spell, bigla namang lumiwanag ang buong paligid at unti unting lumalaki ang portal na ginawa ko. Kita ko namang napaawang ang baba ni Liera sa nakita. Ito na rin naman ang huling araw na makikita niya kami kaya bahala na.

"P-panung?" yan lang ang tanging narinig ko sakanya bago ko binuhat si Jift para makapasok na kami sa portal at baka maabutan pa kami dito mamaya ng mga nurses.

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon