CHAPTER 80: Confession

48.1K 1.4K 358
                                    

A/N: Hi! Siguro sobra 2 months na 'kong walang update dito Hehe sorry naging busy ako sa mga bagay-bagay. And it's been two months since we've lost 2 very important people💔 Sobrang lungkot pero ganun talaga, ang importante ung faith kay GOD😊 Keep safe everyone! And keep praying😇

And here I am again😁 mag-uUD na..

Verse of the day:

NEHEMIAH 8:10
Do not grieve, for the joy of the LORD is your strength.


•••••


Sian's POV.



Almost 5 hours had passed but Shin was still in his situation.

Namimilipit pa rin ito sa sakit at napapasigaw. I can't hold my tears back dahil sa nakikita ko.

Nilagyan siya ng reyna ng itim na mahika sa tiyan, the Black Ball of Distressing. When she put that black ball in your stomach you will suffer such a painfull thing, na halos mararamdaman mo talagang ginigiling ang bituka mo sa loob at tinitadtad ang buo mong katawan gamit ang maliliit na karayom. Ilang araw rin ang pagraranas mo ng ganoong sakit bago ito mawala pero kapag hindi ito kinaya ng katawan mo ay maaari mo rin itong ikamamatay.

"Aarrgh...." agad akong napatakip ng tenga noong sumigaw nanaman siya. I can't take it! Akong nasasakitan sa nakikita ko. Lumapit ako kay Theo sabay luhod sa harapan niya.

"Please T-theo. T-tulungan mo s-si Shin.." naiiyak kong sambit. He just patted my shoulder and bow his head.

"S-sorry, I c-can't.."

Biglang tumigil sa pag-agos ang aking mga luha dahil sa kanyang sagot. Dahan dahan akong napatayo at bumuntong hininga. I patted his shoulder too at tinalikuran siya. Bumalik akong muli kay Shin na hanggang ngayon ay wala paring tigil sa pamimilipit.

"O-okey aargh! L-lang ako S-sian.. aarggh.." nahihirapan nyang pagsalita. Wala na akong luha pang mailuluha ngayon. Pabagsak akong naupo sa sahig sabay tingin sa kakambal ko dito sa loob ng kwarto. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

Dahan-dahan akong napatingin sa dingding nang mapansin ang pagliliwanag doon. Liningon ko si Theo na prente ang upo doon sa sulok at tila hindi napapansin ang pagliliwanag ng dingding na nasa tabi namin ni Shin.

Tumingin ulit ako doon sa dingding, dalawang imahe ng tao ang nakikita kong nakatayo doon. Nakasuot sila ng puting coat na nagliliwanag at tila nakangiti ito sa akin. Dahan dahan nilang tinanggal ang sumbrero ng coat na suot suot nila kaya tumambad sa akin ang mukha nilang nakangiti. Kaagad na bumuhos muli ang mga luha ko nang makita ang kanilanga mga itsura.

"Mom, dad.."

I mouthed to them. I don't know if they're ghost or what. Matagal na silang patay dalawa at mahirap atang paniwalaang buhay sila ngayon. Unti unti silang nawawala sa paningin ko at napapalitan ito ng imahe ni Haria na nakangiti pero agad rin itong naglalaho.

Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan ng loob nang makita ang mukha ng prinsesa. Agad akong tumayo at hinila si Shin sa pagtayo kahit na namimilipit parin ito sa sakit. Hinapit ko muna ang dagger na nakabalot sa itim na tela na ibinigay ulit kanina ng reyna sakin. Isinukbit ko iyon sa aking tagiliran. Hindi masasaktan ang prinsesa nito dahil nakabalot ito sa itim na tela.

"Saan kayo pupunta?" gulat na tanong ni Theo. Hindi ko na sinagot ang tanong niyang yun dahil agad akong nagteleport papunta doon sa Dreamland kasama si Shin. Unti unti na ring bumibigay ang katawan ng kakambal ko. Kapag tumagal-tagal pa ay maaari syang mawala sa amin habam buhay.

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon