CHAPTER 7: The Aura

109K 3.4K 94
                                    

-Genson's Pov-


It was Tuesday morning at naglalakad akong mag-isa papuntang school. Ayaw kasing sumabay sakin ng kasama ko sa bahay. Gusto niya daw mag isa lang siyang pupunta dito ng school. Hays! Hanggang dito ba naman hindi talaga nag babago yung ugali niya. Gustong gusto talaga niyang mapag isa.

Nakarating na nga ako sa classroom namin ngunit wala parin ang seatmate ko. Ilang araw na din siyang hindi pumapasok simula noong sinampal siya ng kaklase naming si Emely.

Ilang minuto ang lumipas nang biglang kumabog ang aking dibdib. Napatayo ako sa gulat dahil doon. Kumunot ang aking nuo dahil alam kong kakaibang aura ang taglay niya.

Humakbang ako ng kaunti para hanapin ang aura na iyon pero habang tumatagal pahina ito ng pahina hanggang sa wala na talaga akong maramdaman kaya bumalik nalang ako sa aking upuan. D*mn! Kanino kaya yun?

"Ok guys! Ready naba kayo?"

Tanong ni Emely sa mga kaklase namin.

"READY!"

Sabay sabay na sabi nilang lahat habang tutok na tutok doon sa siradong pinto ng classroom.

Tumayo agad ako ng mabilis at naglakad papunta doon sa pinto. Alam kong may gagawin silang masama sa taong papasok ngayon dito.

"Ahem Babe? Excuse muna kasi may grand entrance diyan sa pinto na yan kaya tabi ka muna." sabi sakin nung Emely. Tapus nag beautiful eyes pa. But sorry to say that no.

"I'm Genson not babe. Ako ng magbubukas. Ako nalang sasalubung." pasimple kung sagot sakanya at ngumiti. Woah! Linya ni Liera yung una kong sinabi ha.

Padabug naman siyang na-upo sa kanyang upuan.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang taong kanilang babatohin dapat ng itlog, si Liera.

•••••

-Liera's Pov-

Naglakad na ako papuntang school. Pagkarating ko roon ay hahawakan ko na sana ang doorknob ng pinto upang buksan nang bigla itong kusang bumukas. Hindi pala kusa kundi merong bumukas.

"Hey! bat ngayon ka lang?" salubong na tanong sa 'kin ni Genson.

"Late na ba ako?" Tanung ko rin sakanya.

"Hindi naman. I mean bat ngayon ka lang ulit pumasok?"

"Ah wala lang." tipid kong sagot sakanya tapos dumiretso na ako sa aking upuan, sumunod naman siya.

~~~

Pagkatapus ng klase namin eh dumiretso agad ako sa canteen. Kanina pa ako gutom at kanina pa sunod ng sunod 'tong isa sa 'kin.

Humarap ako bigla sakanya at tiningnan ko siya sa mata. Babasahin ko sana kung anung nasa isip niya pero huwag nalang. Wala akong privacy nun kung gagawin ko 'yon.

"San kaba pupunta?"

Mahinahong tanung ko sakanya.

"Ah-eh. Hihi Ikaw saan kaba papunta?" nahihiyang tanung niya na sinabayan pa niya ng kamot sa batuk. Umiling lang ako sakanya dahil sa ibinalik niya sa akin ang tanong ko.

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon